Andrea's PoV
Kasalukuyan paring nakayakap saakin si Dragneel at ang mas matindi HINAHAYAAN KO LANG SIYANG GAWIN IYON! Tsk. Nakakainis, bakit ba kasi hindi ako makagalaw at makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko nai-statwa na ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong kumalas sa pagkakayakap niya pero mayroong pumipigil saakin gawin iyon. Gusto ko rin siyang sigawan pero mayroong kung anong nakabara sa bibig ko dahilan para hindi ako makapagsalita.
Gayunpaman, hindi parin tumitigil ang lakas ng tibok ng puso ko mula pa kanina. Pakiramdam ko ay sasabog na ito anumang oras. Naghahalo-halo rin ang emosyong nararamdaman ko, mayroong konting inis, hiya, pagtataka, at higit sa lahat, SHUTANGENERS! BAKIT PAKIRAMDAM KO NATUTUWA AKO SA GINAGAWA NIYA!
HINDEEEEEEE! Nakakainis! Alam mo yun, yung may konting, konti lang naman, konting konting kiliti ang nararamdaman ko sa puso ko. ANO TO?! Pinakiramdaman ko ang paligid ko at sobrang tahimik lang, ang mga buntong hininga lang namin ang naririnig ko hanggang sa binasag niya ang katahimikan...
"Do you like the feeling of..hugging you?" at mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap saakin dahilan para umakyat ang init sa mukha ko. Kahit kaylan ang manyak nitong taong to! Itinulak ko siya.
"Ano ba!"Inis na singhal ko sakanya pero yung nakakainis nanamang ngisi niya ang tumambad saakin pagkaharap ko sakanya
"haha" Natigilan ako sa pagtawa niyang iyon. Para akong nakakita ng anghel. PAKSHET! BAKIT ANG GWAPO NIYA PAG TUMATAWA SIYA KAHIT PA NAKAKAINIS ANG DATING NUNG PAGTAWA NIYA!
"Tss" Nasabi ko nalang sakanya at tinignan ko siya ng masama. Dahan-dahan naman siyang lumapit saakin pero hindi ako natinag, tinignan ko lang siya ng masama hanggang sa nakalapit na siya saakin..
"Wag mong ugaliing pagselosin ako, dahil pag nagkataong selos na selos na ako...hintayin mo yung araw na gagawa ako ng kahit na anong paraang alam ko, pamasaakin ka lang" tinapos niya iyon ng may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Yung ngiting hindi nakakainis tulad ng nakikita ko noon sakanya, mga ngiting puro na ngayon ko lang nakita at sinserong ngiti na nagpabilis ng tibok ng aking puso.. *TUGDUG* *TUGDUG* *TUGDUG* *TUGDUG*.
Naiwan akong nakatulala at hindi alam ang sasabihin. Bago sa aking pandinig ang mga sinabi niya kaya naman...
.hintayin mo yung araw na gagawa ako ng kahit na anong paraang alam ko, pamasaakin ka lang
.hintayin mo yung araw na gagawa ako ng kahit na anong paraang alam ko, pamasaakin ka lang'
.hintayin mo yung araw na gagawa ako ng kahit na anong paraang alam ko, pamasaakin ka lang'
Nagpaulit-ulit nanaman sa pandinig ko ang huling katagang sinabi niya bago siya umalis. Nung makarecover ako ay tinignan ko ang daang tinahak niya pero wala na siya. Napabuntong-hininga na lang ako at saka umalis na sa kinatatayuan ko. Gayunpaman, iisa lang ang tanong sa isipan ko..
WHAT THE FVCK IS HE SAYING?!
Arrgh! Hindi ko naiintindihan yung sinasabi niya kahit pa bumilis doon yung tibok ng puso ko. Ano yun? Isa nanaman bang ka-alienan? Tss. Naglalakad na akong papasok sa school at nagderetso sa SC Office. Pagkapasok ko ay..
O___O
"We meet again, Pres" Nakangising sabi nitong lalaking prenteng prente sa pagkaka-upo sa UPUAN KO!
"Anong ginagawa mo dito ha?!" gigil na sigaw ko sakanya. Hindi siya sumagot at nagkibit balikat lang siya. Mas lalo akong nainis.. >__< grrr.
"Bakit ka naka-upo sa UPUAN KO?" pigil ang sigaw kong sabi at masama paring nakatingin sakanya at mas lalo akong naiinis dahil sa mga ngisi niya. Eh kanina lang, kung ano-anong pinagsasabi nito tapos.. Bwesit talaga tong lalaking to..
BINABASA MO ANG
Her Perverted 'Alien' Stalker
Fiksi Remaja"I'll make you fall for me as many times as needed." "This may be the end for us. But you will be forever engrave in my heart."