Chapter 22

89 2 7
                                    

Andrea PoV

Pakiramdam ko'y parang bumagal ang lahat ng nasa paligid ko. Ang katahimikan na namumutawi sa silid kung saan kami naroon ay para bang binabaliw ako kasabay ng
sensasyon na ibinibigay ng nakalapat na labi sa aking mga labi. Ang pakiramdam na para bang tinatangay ng hangin ang aking pag-iisip sa kawalan, nablangko na tila ba naging
dahilan kung kaya't naistatwa ang aking katawan sa aking kinalalagyan. Tila ba nakasakay ako sa roller coaster na siyang naging dahilan ng pakiramdam na para bang bumabaliktad ang aking sikmura. Namasa at nanlamig ang aking mga kamay. Hindi ko alam kung ilang segundo ang tumagal para maramdaman ko ang lahat ng mga iyon ng dahil sa halik ng lalaking ngayon ay nakatingin na sa aking mga mata. Namimilog ang mga mata kong tumitig sakanya. Hindi makapaniwala. Hindi makapagsalita. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Kumabog ng kumabog nang napakabilis ang aking puso na para bang ito'y kakawala sa aking dibdib. Hindi ko alam ang gagawin.

Wtf!

Hindi ko matagalan ang mga titig niya kung kaya't nagbaba ako ng tingin ngunit nabigo akong iwasan ang kanyang mga titig nang bigla niyang hawakan ang aking mukha para iangat ito at muli lamang magtama ang aming mga mata. May kung anong kirot ang biglang humalo sa emosyong bumabalot sa aking puso. Nasasaktan akong makita ang mga matang ipinapakita niya ngayon saakin. Ang mga mata niyang napakaganda sa aking paningin, mga matang punong puno ng emosyon na ngayon ko lamang makikita. Parang ibang Matthew ang nakikita ko ngayon. Isang Matthew na nasasaktan. Ang sakit na iyon na makikita sa kanyang mga mata ay tila ba isang pana na tumatagos sa aking puso. At ang mas masakit tignan ay ang unti-unting pamumuo ng tubig sa kanyang mga mata. There's something in his eyes. Something deep. So deep that i didn't realize that I'm
deeply drown to it.

Bakit sa tuwing nakikita kong nasasaktan ka, parang ako ang mas higit na nasasaktan?

Nagtagal pa ang katahimikang namutawi sa pagitan namin hanggang sa sabihin niya ang mga salitang iyon sa pinakamasakit na paraang nakita ko...

"I love you Andrea. Why can't you get it?" at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Ang mga salitang iyon ay para bang umiiyak sa harap
ng puso ko, na para bang nagsusumamo na papasukin ito sa loob ng aking puso. Ang mga salitang iyon na nagparamdam saakin ng salitang masakit. Nakakahawa ang emosyong ipinapakita niya na siyang dahilan para ako'y maluha na lamang. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga salitang binitawan niya.
Nalilito na ako. Hindi ko na matagalan ang sitwasyong ito. Naninikip na ang dibdib ko dahil sa papabilis na tibok ng aking puso. Nang hindi magsalita ay nagbaba siya ng tingin. Napayuko at saka umiling. Nagpakawala siya ng malakas na buntong hininga at nag-angat ng paningin saakin. Tinignan niya ako sa pinakamasakit na paraan at saka ngumiti pagkatapos ay bigla siyang tumakbo papalabas ng silid kung nasaan kami. Naiwan akong nakatulala. Nabibigla parin sa nangyari.

Lumipas ang ilang minuto at napagdesisyunan ko ng ayusin ang aking sarili saka ako lumabas sa silid na iyon upang balikan ang mga trabahong kailangan ko pang gawin.
Naging tahimik na ako at hindi na nakipag-usap pa sa iba. Magsasalita lamang ako kapag may nag-tatanong saakin tsaka ako tatahimik ulit at pinapanatili kong busy ang aking sarili. Patuloy pa rin ako sa pag-iisip. Naglayag nang naglagay ang aking isip hanggang sa maka-uwi ako sa bahay. Hanggang sa bahay ay hindi ako masyadong nakipag-usap kila mama at kuya. Umakyat ako agad sa aking kwarto pagkatapos ng hapunan, pagkarating ko sa kwarto ay pabagsak kong inihiga ang sarili sa kama.

"Waaaaaa! Bakit ka kinakabahan. Para ka namang timang" Para akong tangang kinaka-usap ang dibdib ko. Hanggang ngayon ay malakas ang kabog ng aking dibdib,
kinakabahan na ewan. Muli ay naalala ko ang pakiramdam na nakalapat ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at natutop ko nalang ang aking mga labi.

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon