Andrea PoV
Lumipas ang Linggo ng hindi tahimik ang buhay ko. Paano ba naman kasi, maya't maya akong kinukulit nang kapatid ko kung anong relasyon 'daw' namin nung lalaking iyon. Nakakabanas eh, sinumbong pa talaga niya ako kay mama na tuwang tuwa naman sa nalaman niya. Arrrgh. Ginugol ko din ang oras ko kakaisip kung paano ko nanaman gagawin ang tungkulin ko bilang President ng school sa nalalapit na sports fest sa school. Starting this week pala ay maghahanda na kami para dito at HAYAHAY nanaman ang buhay namin. Ngayon ay lunes na at papasok na akong school dahil LATE na ako..
"Bye ma!" Sabay hablot ng sandwich na nakahain sa mesa at kumaripas na akong takbo palabas. Nakakagat pa ang sandwich sa bibig ko habang ako ay tumatakbo papuntang waiting shed kung saan ako'y maghihintay ng masasakyan kong jeep o tricycle. Maduga kasi yung magaling kong kapatid. Once in a blue moon lang niya akong ihatid gamit ng sasakyan niya pag natripan niya daw. Bakit ba kasi hindi pa ako pwedeng magka-kotse para hindi masyadong hassle sa pagpasok sa school. Habang naghihintay ay nginunguya ko na ang sandwich ko. Mapaparami nanaman akong ila-lunch mamaya. Maya maya pa'y may nadaan na jeep kaya dali dali akong sumakay doon. As usual, ang eksena sa loob ng jeep ay siksikan. Puno na nga iyong jeep eh nagdadagdag pa.
"Manong bayad po" Inabot saakin nung babae iyong bayad niya kaya inabot ko naman kay manong driver. As usual ulit, kadalasan ay taga abot ako ng pambayad nila. Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay nasa school na ako.
"Para po" Sabay abot ko ng bayad at baba ng jeep. Naglakad na akong papasok sa school. Sinalubong naman ako ng mga estudyante ng ngiti at pagbati.
"Goodmorning Andreaa!"
"Goodmorning Pres"
"Goodmorning President gandaaa!" Sinuklian ko naman sila ng ngiti at binati ko rin sila. Nasa loob na ako ng building at paakyat na ako sa floor ng classroom namin ng..
"Goodmoring Pres" Umagang-umaga ay bubungad nanaman ang pagmumukha ng taong ito. Tinanguan ko lang siya at nagtuloy lang ako sa paglalakad. Bakit ba kasi ka-floor ko ito eh. Aist. Floor pala ng mga 4th year ito kaya sa ayaw ko man o sa ayaw ko parin, ka-floor ko pa rin siya.
"Pres!" Wag mo siyang pansinin Andrea, mambwebwesit lang siya.
"Andeeeng!" -___-
"Bakit sila binabati mo pabalik, ako hindi." Aba. Sinusundan ba ako ng lalaking to? Tsk. Nakalimutan ko pala, stalker din pala siya. Hindi ko pa rin siya sinagot. Wala naman akong masabi eh. Malapit na ako sa room ng..
"Aiiish! Iniiwasan mo ba ako?" O___O Ang lapit nanaman ng mukha niya. Bigla nalang niya kasing hinila ang braso ko at iniharap niya sakanya. Kinakabahan ako na ewan. Tumitibok nanaman iyong puso ko ng malakas tipong naririnig ko na ito. Huhuhu. What are you doing to me?!
"Andrea. Iniiwasan mo ba ako?" Napatingin ako sakanya nang sabihin niya iyan. Mahinahon at hindi ako sanay na ganito ang tono niya kapag nagsalita.
"H-ha? Hindi ah" Depensa ko.
"Then why are you avoiding me today?"
"Tinanguan naman kita ah kaya okay na yon."
"Eh, gusto kong marinig ang boses mo"
"Narinig mo na nga eh"
"Tss." Iniiwas niya ang paningin saglit at ibinalik niya ulit ito saakin.
"Sino iyong baby?" Napataas ako ng kilay.
"Anong baby?"
"Aist. Yung kasama mo nung saturday. Sabihin mo nga, boyfriend mo ba iyon?" Naalala ko na. Siraulo talaga iyong kuya ko.
BINABASA MO ANG
Her Perverted 'Alien' Stalker
Novela Juvenil"I'll make you fall for me as many times as needed." "This may be the end for us. But you will be forever engrave in my heart."