Chapter 4

617 16 3
                                    

Andrea's PoV

Masaya akong nakikipag kwentuhan kay Lorenz Redfox, kaibigan at klasmeyt ko noong elementary. Namiss ko siya ng sobra, grabe ilang taon ding hindi kami nagkita tapos malalaman kong dito rin pala siya nag-aaral, kakatransfer niya pala nung last year. Tapos sasabihin nung alien na yun na mukha siyang bakulaw? Tae, nuknukan ng kagwapuhan to, inggit lang kasi siya kasi hindi kami close. Hmpt.

"Grabe tumaba ka talaga Andrea, hindi ako makapaniwalang yung dating ting-ting naging tambo na :D" Ilang beses na niyang sinasabi to ah. Di ba siya nagsasawa?

-____-

"So bilib ka na niyan? Ilang kilo lang naman ang nadagdag saakin eh"

"Kahit na. Atleast nagkalaman ka kahit kaunti. Tsaka gumanda ka rin"

"So anong ibig mong sabihin? na panget ako dati ha?"

"Oo naman! Anong akala mo, maganda ka dati? Ang ting-ting na nga ng katawan mo malaki pa eyebags mo." Aba't tong lalaking to.

"Sakalin kita dito eh. Makapang-lait ka naman dyan. Ngayong nagkalaman ako eh nawala na yung eybags ko, natakpan na siya ng kaunting taba. Ang ganda ko kaya" I flip my hair. Ang ganda kong to.

"Oo na. Dati naman yun eh, ngayon maganda ka na. Halika nga't mayakap kita." Ngumiti siya saakin at biga niya akong niyakap. Natatawa na rin ako kasi sinasayaw niya ako left and right habang niyayakap. Hindi pala sinasayaw, shini-shake niya ako. Pinanggigigilan ako nitong mokong na to ah pero sabagay namiss ko rin siya kaya hinayaan ko na lang siya. Close na close kaya kami noon. Siya nga yu-- hindi ko na natapos ang isiping iyon ng biglang..

"Rule number 27- Walang maglalandian sa school lalo na sa daan. Did you forget what you have written here, President?" Talaga naman. Sarap tirisin nung alien na to. At may hawak pa siyang papel, yung rules and regulations pa ata. At nakakainis nanaman yung mga ngisi niya, bwisit. Humiwalay na si Lorenz sa pagkakayakap saakin at nakipagkilala kay Matthew, ay Alien pala.

"Lorenz Redfox" Nakangiti niyang inabot ang kamay niya para makipagshake-hands sana kaso.

"Nakalimutan mo na ba President? Kung makasita ka ng nambabasted, hindi mo masita itong ginagawa mo?" Nilampasan niya si Lorenz na naiwan sa ere ang kamay, bastos to ah. Lumapit siya saakin na ganun ang tanong. Tss.

"Pasensya naman Mr. Dragneel. Kaibigan ko naman siya, in fact, close friend ko siya. Wala naman sigurong masama na yumakap dahil sa pagkamiss namin sa isa't isa. Hindi naman kami naglalandian dito." Ngumisi naman siya.

"Sabihin na nating niyakap mo siya dahil namiss niyo ang isa't isa at CLOSE FRIEND kayo" Anong gusto niyang palabasin sa pagdidiin ng Close Friend?

"Pero, the mere fact na nagyakapan kayo dito, at nakikita ng iba, ano na lang ang iisipin nila? Ano yun, ipapaliwanag niyo sakanila isa-isa na close friend lang kayo and that you miss each other that's why you hugged here?" I can see anger in his eyes. What is his problem? Tsk.

"Ano bang problema mo? Wala namang nakakita ah. And besides, why do you care?"

"Paano kong iba ang nakakita at hindi ako? At isa pa, let me tell you this Ms. Heartfilia, I care because I'm your stalker" Ano daw? he cares because he is my stalker??!

"Uy, chill lang kayo dy--" Hindi na naituloy ni Lorenz ang sasabihin niya dahil pinigil ko siya

"Manahimik ka dyan, Redfox"

"So? Kung stalker kita?" Pagpapatuloy ko pero para kay Dragneel.

"Dapat alam ko LAHAT!"

"Teka lang naman. Hindi naman pwede iyan. Hindi mo ba alam ang salitang Privacy?"

"I know. Pero kung sayo, dapat alam ko ang lahat" Talaga naman!

"Ano bang problema mo ha? Bigla-bigla ka nalang sumusulpot dyan tapos ganyan na sinasabi mo!"

"Because I'm watching you the whole time" Natigilan ako nung nakita ko ang bahagyang lungkot sa mga mata niya, is it? Baka namamalikmata lang ako. Tss kita mo ngumisi na siya.

"So?" Pero hindi ako nagpatinag.

"And that's because I love you" Am I blushing or just my imagination? Arrgh! Ano tong sinasabi niya

"Ano nanamang ka-alienan yang sinasabi mo. Oo na dyan, may kasalanan na ako. Halika na Lorenz" Aalis na sana ako ng bigla niyang hablutin yung kamay ko na siyang nakapagparamdam nanaman ng bolta-boltaheng kuryente na dumadaloy sa buo kong katawan. Ano bang meron ka at sayo ko lang to nararamdaman.

"Ano nanaman?" Inis kong singhal sakanya pero ang totoo ay pakiramdam ko malulusaw na ako sa mga titig niya ano mang oras.

" Paano kung miss din kita, pwede rin ba kitang yakapin?" What is he saying! Pinilit kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero, mahigpit pa rin niya itong hinawakan. Medyo masakit na ah.

"Hindi tayo close friend! Ano ba yang sinasabi mo? Lumalabas nanaman yang pagka-pervert mo! Bitiwan mo ako."

"Pare, sinabi niyang bitiwan mo na siya" Bigla bigla'y sumabat si Lorenz

"Wag kang makialam dito" Aba naman!

"Sige na Lorenz, mauna ka na. Kaya ko na to, kita na lang tayo mamaya" May protesta man sa kaniyang mga mata ay wala rin siyang nagawa kundi ang umalis. Ngayon ay kaming dalawa nalang ang nandito kaya.

"Pag hindi mo ako binitawan, makakatikim ka sakin!"

"I'm willing to taste it, Pres." At nagpakawala siya ng nakakalokong ngiti. Pervert talaga!

"ISA!" Pagbibilang ko pero hindi siya nagpatinag

"DALAWA! Ako bang hinahamon mo Dragneel?" Pero parang wala siyang naririnig, nakatingin lang siya saakin na para bang sinasabi niya na, sige lang magbilang ka lang ng magbilang.

"TATLO! Naku, isang bilang na lang, makakatikim ka talaga ng sapak!" Pero sa halip ay ngumisi lang siya kaya naman

"APAT!" Sinubukan kong sapakin siya gamit nung isa kong kamay pero mas mabilis siya kaya naman pati iyon ay hawak hawak na niya.

"Bitiwan mo ako!" Pilit nanaman akong kumawala pero bigla niya ako inikot, napakabilis para hindi ako makawala sakanya at tuluyan na niyang ibinalot ang mga braso niya sa katawan ko. Nakayakap siya saakin from my back.

*TUGDUG* *TUGDUG* *TUGDUG*

Dumagondong sa pandinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Ako lang ba ang nakakarinig o pati siya?

"Bitawan m---" He did not let me finish my words.

"I'm jealous. Let me hug you for your forgiveness" Ramdam ko ang lungkot sa pananalita niya kaya naman ikinagulat ko din iyon. Hindi na ako nakapagsalita dahil hindi ko din alam ang sasabihin. I let him hug me but damn! Why do I feel like hugging him too. Arrgh!

Matthew's PoV

I'm watching her the whole time and it really pisses me off whenever she smile to that guy. Bakit ang dali niyang ngumiti sa harap nung lalaking iyon samantalang saakin, nakakunot pa ang noo niya. Pakiramdam ko, wala lang talaga ako sakanya, isa lang akong Perverted Alien Stalker para sakanya. Tss. Nasasaktan ako pero tulad nga ng sinabi ko, I'm willing to endure a lot of things for her. Hindi man niya marealize ngayon, I'll let her realize it herself soon. Pero nakakainis talaga. Close friend niya daw tong Lorenz na to. Somehow, I feel jealous. Kasalanan niya saakin ang ngumiti sa iba, makipaglandian sa iba at magbigay ng attention sa iba. Am I being selfish? I just love her, and I don't want any other guy to get close to her. I'm afraid, they might get her away from me. I'm being paranoid. If she only knew.

Now that I'm hugging her, all that thoughts, my pain, my jealousy, vanished away. She did not say anything, she did not refused, she let me hug her. See, I'm blushing. So gay. But damn, I feel like I can't let go of her. Can I take her to my planet?

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon