Chapter 28

57 1 1
                                    

Andrea's PoV

For all the days that I felt so lonely. The days when i felt so empty. Longing for someone i didn't imagine to be imprisoned in my head. He's just out of my league, and i don't know if it's right to feel that way. For all the days i aimlessly thought about him. I wonder where he was and what he does.

I longed for this day to happen. To see his face. To feel his presence around me. But now that i finally see him right in front of me, i no longer know what to feel. I could see those icy aura coming from his cold and lifeless eyes staring at me. It's like a dagger thrusting inside me tearing my heart into pieces.

The moment he walks away from me is like i am left in a world where i have nothing but myself alone.

Nagpaalam na ako kay Loki na babalik na sa SC office. Wala sa sariling tinahak ko ang daan papuntang office at nang makarating ako roon ay mag-isa ko lang. Naalala kong nasa labas pala sila. Naupo ako sa aking desk at walang buhay na tinignan ang mga mesa ng aking mga officers.

Ang lungkot ng pakiramdam ko at hindi ko alam kong paano itong maaalis sa aking puso. Nagsimula ng tumakas ang luhang kanina pa nakakulong sa aking mga mata. Mga luhang hindi ko na mapigilan pa ang pag-agos nito sa aking mukha. Hindi ko na alam ang nangyayari saakin. Ang pakiramdam na ito ay binabaliw ako at tila ba'y nag-uudyok na tahakin ko ang daan palabas nitong office at hanapin ang lalaking may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito. Ngunit bago pa man ako tangayin ng isiping iyon ay pinigilan ko na ang aking sarili at dahil na rin ng biglang pagpasok ni Justin sa office. Dali dali ko namang pinunasan ang aking mga luha kahit pa ito'y hindi ko na maikukubli pa.

"Pres! Bakit? Anong nangyari? Ba't ka umiiyak?" Alalang tanong niya. Tinignan ko lang siya dahil alam kong kapag nagsalita ako ay maluluha nanaman ako. Dammit.

"Uy Pres?" Hinawakan niya ako sa balikat at naghihintay pa rin sa aking sagot. Wala akong balak magsalita ngunit taksil ngang talaga ang mga luha. Tumulo ito ng hindi ko inaasahan. Nagulat naman si Justin at mas lalong bumalatay ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Andrea..." parang ito ang unang beses niyang pagtawag sa aking pangalan kahit pa hindi ito ang unang beses na tinawag niya ako sa aking pangalan. Kakaiba ang pakiramdam at dahil don ay mas lalo akong naiyak.

"Hindi ko na alam Justin ang gagawin ko sa aking nararamdaman" panimula ko habang umiiyak pa rin.

"Para akong hangin sa paningin niya. Hangin na pilit mang magparamdam ay hindi niya pa rin nakikita."

"Baka naman siya talaga yung hangin. Hangin na pilit na nagparamdam sayo, ngunit di mo parin nakita" nakangiti at malumanay niyang sabi. Para naman akong binato ng realidad. Ang realidad na pilit ko noong itinatanggi ngunit ngayon ay hininiling kong magbalik sa mga panahon kung saan mayroong siya na nariyan lang sa tabi ko. Nagpaparamdam ng kaniyang damdamin na hindi ko maramdaman.

"All the troubles he went through just for me, i didn't even have the slightest appreciation to all the things he did to me. And now I am wondering why he's like that towards me. I'm so stupid for not realizing what he meant all this time." Napatakip nalang ako sa aking mukha dahil doon. Ako na ata ang pinakamanhid na nilalang sa mundong ibabaw. Nagulat naman ako ng ipatong ni Justin ang palad niya sa aking ulo.

"Okay lang 'yan Pres. Hinding hindi yun mawawala sa tabi mo. Kung akala mong wala na siyang pakialam sayo, itigil mo na ang isiping iyon. Isipin mo nalang ang mga bagay na pwede mong gawin para amuhin ang kaniyang nagtatampong damdamin" Kung dati ay makokornihan ako pag nakakarinig ako ng mga ganyang klase ng lintanya. Ngayon ay parang binubuhay niya ang puso ko sa pag-asang unti-unti ng namamatay sa loob ko. Napangiti ako sakanya. Hindi ko alam kung kilala niya ba talaga ang tinutukoy ko pero base sa aking nakikita ay parang alam niya kung sino ito.

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon