Chapter 26

53 1 2
                                    

Justin PoV

Tahimik ang buong SC office at tanging ang nagtataasang boses lang ni Sir Makarov ang maririnig sa buong silid. Siya ang adviser ng Supreme Student Council ng Fiore Academy. Nakatungo kaming lahat maging ang aming President Heartfilia dahil nakakatakot namang talaga ang magtama ang paningin ninyo ni Sir Makarov. Galit siya.

"What's wrong with you officers?! Especially you President Heartfilia? What have you been doing this time huh? The Council is not working anymore! What? You're being listless now? Anong pinaggagawa niyo sa linggong ito? Where are the papers i've been asking last week? Malapit na ang foundation day pero nagpapabunging-bunging lang kayo. I am so disapppointed to you Ms. Heartfilia. Get your act together, ALL OF YOU!" Pinagmasdan pa kami isa isa ni Sir Makarov at saka umalis na sa office. Parang nakahinga naman ng maluwag ang lahat dahil sa kanina pa naming pagpipigil huminga. Tinignan ko si President at ayon nanaman ang mga malulungkot niyang mata. Totoo na naging tamad ang lahat dahil na rin kay President. Sa mga nagdaang araw ay bihira nalang niya kaming utusang gawin ang mga bagay-bagay tulad ng dati na naging pabor naman sa karamihan. Maging siya ay hindi na nagagawa ng maayos ang trabaho niya bilang President. Ako na Vice President ng Council ang nagkukusa nalang gawin ang ibang mga gawain niya para hindi kami matambakan ng trabaho dahil gaya ng sinabi ni Sir Makarov ay malapit na ang founding anniversary ng Fiore Academy.

*baaaam!*

Nagulat ang lahat nang hampasin ni Pres nang pagkalakas-lakas ang desk niya. Yay! Mula sa malungkot niyang mga mata kanina ay nakikita ko na ang matapang naming President. Nakikita ko ng muli ang maitim niyang aura na bumabalot sa kanya lol Pero seryoso, ito na iyong President na kinaiinisan ng mga lalaki.

"Sumama kayong lahat saakin." Sing lamig ng yelo niyang usal. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae, ang bilis magbago ng mood.

"Eh? Ba't kaming lahat?"

"Bakit? Gusto mong maiwan Alors?"

"Sabi ko nga Pres. Lahat kami" Napapakamot nalang si Max Alors sa kanyang ulo.

"Magra-rounds tayo sa buong campus. Ilista ang dapat ilista. Ako na ang papataw ng karampatang parusa sa mga lumabag sa batas ng school." Pagkatapos niya itong sabihin ay lumabas na siya agad. Dali-dali namang nagsipagsunuran ang lahat. At syempre kinuha ko muna ang mahiwagang notebook ko na siyang paglilistahan ko ng mga mahuhuli ni Pres. Napapailing nalang ako habang naglalakad pasunod sa kanila. Mag-aalas dos na ng hapon sa mga oras na ito at ang lahat ay nagsibalikan na sa kani-kanilang klase. Malilintikan talaga kung sino man ang mga mahuhuli namin ngayon. Pababa palang kami ng building ng may marinig kaming nagtatawanang mga lalaki sa isang sulok. Tsk tsk.

"Wala namang tao eh, halina kayo. Hahahaha"

"Kung hindi kayo aalis sa dinaraanan namin ay sisigaw kami" Nanginginig pang sabi ng isang babae. Papalapit na kami sa kinaroroonan nila. Nasa isang sulok sila malapit sa Cr kaya hindi sila makikita agad sa pasilyo. Hahawakan na sana ng tatlong lalaki ang mga babae ng--

"Presss. Huhuhu" Biglang sigaw ng mga babae sabay takbo sa kinaroroonan namin. Lumingon naman ang mga lalaking ito at nakita ko na ang pagkairitang naipinta sa kanilang mga mukha.

"Pres. Sila oh, minamanyak nila kami. Nag-Cr lang kami tapos bigla nalang nila kaming hinarang tapos kung ano-ano ng kamanyakan ang sinasabi nila" Nagsusumbong na aniya ng isa sa mga babae. Tinignan sila ni Pres at nginitian.

"Bumalik na kayo sa mga klase niyo" utos niya sa mga ito at sumunod naman agad ang mga babae. Binalingan naman ni Pres ng tingin ang tatlong lalaki. Napailing nalang ako ng makita ang ayos nila.

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon