Chapter 17

100 6 1
                                    

First day of the festival and they're all fired up. Lahat ng estudyante ay naghanda ng husto para sa araw na ito lalo na ang section's B-D dahil ang section A ang defending
champion at dahil nga ang Student Council President ay nasa section A, hindi basta bastang magpapatalo ito lalo pa't sa isip ni President ay 'lalampasuhin kitang alien ka'
Naiinis nanaman kasi si Andrea dahil nakakainis ang mga ngising ipinapakalandakan ni Matthew sa mukha nito at talagang hinintay niyang makalabas si Andrea sa loob ng gym
para sabihing...

"Wag kang iiyak pag natalo ka" sabay pakawala ng 'nakaka-bwiset' daw na ngisi kay Andrea. Hindi niyo naitatanong ay sa sobrang pagka-sporty ng President ay kasali siya sa
lahat ng game at sa taong ito ay hindi na sila magtataka kung mala-halimaw na niyang iismash ang bola dahil huling taon na niya ito.

"Huh?! Wag kag magyabang baka ikaw ang umiyak sa huli." Sumeryoso naman ang mukha ni Matthew at parang galit pa kung tumingin kay Andrea, sa isip isip niya ay abnormal ito dahil kani-kanina lamang ay nakangisi siya tapos ngayon ay bibigyan siya nito ng ganyang expression. Sa isip naman ni Matthew ay naiinis siya dito dahil kasama nanaman
niya kanina at may paakbay-akbay pang nalalaman ang 'baby' daw ni Andrea dahil lingid sa kaniyang kaalaman na magkapatid pala sila kaya ganoon na lamang ang kaniyang
selos kanina ng makita niya ang mga ito.

"Abnoy" Singhal ni Andrea matapos layasan ni Matthew bigla, ng walang pasabi. Nagkanya-kanya na sila at pumunta sa kani-kanilang pwesto. At dahil nga sobrang fired up ni President ay...

"Attentiiiiioooon section A!!! Nandito tayo ngayon upang i-defend ang ating titulo bilang Champion sa nagdaang tatlong taon! Papayag ba kayong maagaw ng mga mahihinang
iyon ang Championshiiiiiip???!!!"

"HINDIIIIII!"

"SINO ANG STROOOONG?!"

"SECTION AAAAAA!"

"KAMIIIIIII"

"ARE YOU READY TO BEAT THOSE WEAKLIIIIINGS?????!"

"YEEEEES!" Malakas na sigaw ng mga section A na may kasama pang paghampas-hampas ng mga kung ano upang lumikha ng tunog at malakas na dagundong ng mga drums. Kung matatandaan niyo ang napag-meetingan ng council at ng mga homeroom Presidents, may prize na kiss mula sa mga member ng council at pati na rin ng mga Presidents kaya naman todo tili ang mga estudyanteng babae 'nong inilagay na ni V-Pres Justin ang isang malaking bulletin board sa harapan ng stage na naglalaman ng mga pictures ni
President at ng Council and the Presidents. 'FOR 1ST PLACER ONLY. IF GROUP, THE CAPTAIN ONLY' ang nakalagay sa bandang itaas ng bulletin board. Nang makita ito ni Matthew ay nainis siya bigla dahil sa isiping kapag lalaki ang nanalo ay hindi malabong si Andrea ang pipiliin dahil nag-iisa lang naman siyang babae sa Council at ang lahat ng
mga President ay puro mga lalaki. Hindi siya papayag na mahawakan man lang ng mga ito ang 'kanyang' President. Ngumisi siya. Ano kayang dahilan?

The rules are simple. Sa unang round ng mga laro, ang bawat section ay may kaniya kaniyang representative sa bawat laro at babae laban sa babae; lalaki laban sa lalaki.
Section A vs Section B; Section C vs. Section D. Sa ikalawang round naman ang mga section na nanalo ay maglalaban-laban at sa huling round ng laro ay boys vs. girls, ito ay
iyong mga nanalo sa una at ikalawang round. (Kung hindi mo naintindihan itong rules ko, bahala ka XD)
Hindi na nag-aksaya pa ng oras at nag-umpisa na ang unang laro.

First Game: Volleyball

Unang sumalang ang section A vs. Section B girls and boys. Hiwalay ang court ng girls sa boys ngunit sa court ng mga girls maglalaro sa final round. Nag-umpisa na ang laro at hindi kayo maniniwala, ang first server ay ang President kaya naman...

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon