Chapter 31

133 2 3
                                    

Andrea's PoV

Nagpatangay ako kay Matthew papunta sa gitna ng stage upang humilera sa tabi ng lahat ng mga napiling candidates at mga huradong kasama ko para magpicture. Nanlulumo namang sumunod si Loki at humilera sa di kalayuan sa amin. Ngunit pakiramdam ko ay nanghihina ang tuhod ko dahil sa kamay ni Matthew na nakahawak parin sa aking bewang. Para bang kinikiliti nito ang buo kong katawan. Ang puso ko ay tila lalabas na ng katawan ko at mangisay nalang sa sahig dahil sa sobrang kaba, kilig, saya, at kung ano-ano pang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Maya-maya ay bumulong siya saakin na nakapagpapatayo pa ng balahibo ko.

"Ang sexy mo naman, Pres." sinabi niya iyon ng medyo napapaos pang boses. Pinamulahan ako.

"Pervert" kinurot ko ang tagiliran niya. Tinignan niya ako ng nakalukot ang mukha, impit ang boses at pinipigilang kumawala ang malakas na aray. Kinukwestyon ako ng mata niya kung bakit ko siya kinurot ngunit inirapan ko lang siya.

Gusto kong itago ang hiya na nararamdaman ko at tsaka hindi ako sanay na hindi sungitan kapag umiiral nanaman ang kanyang pagiging perverted alien.

"One. Two. Three. Smiiiiile" nagulat ako ng mas hapitin pa ako ni Matthew papalapit sakanya kaya hindi ko tuloy alam kung ano ang itsura ko na nakunan ng litrato. Maya maya pagkatapos ng picture taking ay lumapit saamin si Monique na kay Matthew lang ang tingin.

"Congrats Matt!" nakangiti niyang sabi. Tumingin siya sa gawi ko at nginitian ako, ngumiti rin ako.

"Hi, President Andrea" pagbati niya.

"Hi. By the way, congratulations sayo" nakangiti kong pagbati rin. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng konti lang naman na kirot sa puso ko. Pakiramdam ko ay sobrang close nilang dalawa na halos kilala na nila ang bawat isa at ayaw ko 'mang aminin pero ayoko sa isipin na ganun talaga sila.

"Tss. Siya kinong-grats mo. Ako na una mong nakita hindi mo binati. You're always unfair, Pres" natamaan ako sa sinabi niya. Ganon ba talaga ako sakanya? I'm always unfair to him? malulungkot na sana ako nang makita ko ang pangit niyang mukha sa sobrang pagkabusangot nito. Natawa ako.

"Ang pangit mo." sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Wow! Itong mukhang 'to pangit? Hahaha." tumawa siya na para bang isang napakalaking joke ang sinabi ko tungkol sa pagiging pangit niya. Yabang! Maya maya ay bigla siyang sumeryoso at hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Buti nalang ay medyo malayo kami sa bungad ng backstage kaya hindi kami kita rito ng mga estudyanteng nanonood. Bigla siyang lumapit saakin na halos mahalikan na niya ang labi ko. Naduduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya. Nagharumintado ang puso ko at gusto na niyang kumawala ng tuluyan sa loob ng katawan ko. Nagwala ang mga lamang-loob ko dahil dito sa ginagawa niya.

Shutanginers mo Matthew! Sige lapit pa hanggang sa mahimatay na ako. Waaaaaaaaaa!

"Wag mong sanayin ang pagsasabi mo saakin ng pangit. Dahil baka sa susunod gwapong gwapo ka na sa akin at araw-araw mo na 'kong gustong makita." sinabi niya iyon na titig na titig sa mata ko at kahit hindi ko pa makita ang labi niya ay batid kong nakangisi na ito. Hindi na niya ako pinagsalita at iniwan niya nalang ako bigla at sumabay sa tatawa tawang Monique. What the heck was that?

Tinignan ko ang papalayong sila. Kung titignan mo ay para silang magshota na nagkukulitan dahil sa mga tawa nila. Kumirot ang puso ko. Ayokong isipin na merong something sakanila dahil nangingibabaw na sa puso ko ang isiping gusto ako ni Matthew. Pero nalungkot ulit nang sumagi sa isip ko ang tanong na hanggang ngayon pa ba? Hindi ko alam. Pero sa mga nagdaang araw ay walang siya na nang-iinis saakin. Hindi na tulad ng dati. Wala ng siya na nasa paligid ligid ko lang. Hindi na niya---natigil ako sa pag-iisip nang may kumawalang luha sa aking mata. Damn it, Matthew!

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon