Chapter 6

248 8 1
                                    

Justin's PoV

Nandito kami ngayon sa loob ng SC office para pag-meetingan ang nalalapit na sports fest. Nabibilib talaga ako kay Pres kasi napalitan niya agad yung nawawalang files noon para sa sports fest. Hayy. Nagpapasalamat talaga ako dahil ako ang VP ng Student Council at kasama ko pa siya.

Sa dalawang taong pagiging President niya ay maraming nagbago. Hindi na yung dating magulo dahil imbes na mag-lead ang dating mga President ay sila pa ang naging pasimuno sa mga gulo dito sa school, palibhasa kasi ay puros mga lalaki ang leader at All Boys High ito dati ngunit noong pinaghalo na ang mga babae at lalaki dito ay mas lalong lumala, kawawa lagi ang mga babae. Kaya naman noong naging President si Ms. Heartfilia ay medyo naging matino naman na ang school at higit sa lahat ang mga babae ay hindi na rin masyado naaapi, hehehe. Pero syempre hindi ako kasama doon dahil mabait ako at gentleman.

Ang mga babae dito ay naging palaban na rin dahil sakanya. Tapos nagdagdag pa siya ng mga batas sa School's Rules and Regulation. Ang karamihan dito ay ang mga karapatan ng mga kababaihan at syempre para sa lahat na rin. Talaga naman, siya na ang batas! At dahil sa ginawa niya, marami-rami rin ang naging haters niya, syempre ang mga lalaking ito. Pero kadalasan ay wala silang palag sakanya kasi nga-

"Dreyar! Ano ba! Kanina pa kita tinatawag!" Katakot siya.. Kaya hindi sila, I mean kami, makapalag..

"Ha? Ano yun Pres?" Hindi ko namalayan na I'm spacing out na pala.

"Anong ano yun Pres? Kanina pa kami nag-uusap dito hindi mo alam kung ano?!" Ayan nanaman yung nakakatakot niyang tingin.. Waaaa. Pero hoy! Hindi ako bakla ha.

"Wag na mainit ulo mo Pres" Biglang salita ni Dragneel. Seriously, anong meron sa dalawang to? hmmmm.. nangangamoy pag-ibig na ba 'to? haha

"He. Manahimik ka dyan Alien!" sigaw naman ni Pres. Mukhang interesting ang magiging lovestory ni Pres ha.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan ha Justin?" Ayan na. Binigyan na niya ako ng nakakatakot na tingin..

"Wala naman Pres. Ano ulit yung sinasabi niyo. hehehe" Nameke ako ng tawa. Nakita ko naman siyang bumuntong hingi ng malakas bago niya ako tignan saka nagsalita.

"Sabi ko, Ikaw, payag ka rin ba sa Marriage Booth na sina-suggest nung lalaking na to?" Sabay tingin ng masama sa nakangising si Dragneel.

"Ha? Akala ko ba pinatanggal mo na yun Pres?" tanong ko naman

"Oo nga! Pero sina-suggest nanaman ng isang TO! Iyong kakornihan na yun." Nangingisi kaming lahat dito dahil na'kila Pres at Dragneel ang paningin naming lahat. Nagtititigan silang dalawa gamit ng matalim na tingin ni Pres kay Dragneel habang mapang-asar na tingin naman ni Dragneel kay Pres. Pffft. Mukhang magiging totohanan ang 'Marriage Booth' sakanilang dalawa ah. HAHAHA.

"Bakit Pres, ayaw mo bang tayo ang maikasal?" banat ni Dragneel kaya naman.

"Pffft." Nagpipigil kaming lahat ng tawa dahil namumula na sa inis si Pres sakanya. Actually kanina palang nung pumasok si Pres dito sa loob. Mantakin mo, hindi niya kami nakita dahil na'kay Dragneel lang ang nanlilisik niyang mga mata. Natahimik kami ng bigyan kami ng masamang tingin ni Pres. Pffft.

"Sinong magpapakasal sa siraulong Alien na tulad mo?" mariin niyang sabi kay Dragneel

"Aww. Ang sakit mo naman magsalita Pres."

"Mamatay man ako, hinding hindi kita pakakasalan. Masisira lang ang buhay ko pag pinakasalan kita."

"Sigurado ka?"

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon