Chapter 24

65 1 0
                                    

Loki PoV

Tumunog na ang bell hudyat na lunch time na. Inayos ko naman ang mga gamit ko pagkatapos ay isinukbit ko na sa balikat ang aking bag. Paglabas ko ng room ay biglang may umakbay saakin dahilan para muntik na akong mapasubsob. Aish!

"Hoy Fullbuster! Eto ka!" Ipinakita ko ang middle finger ko sabay pakawala ng ngisi. Inambaan niya naman ako ng suntok pero dumapo ang mga palad niya sa ulo ko at mariin na ginulo ang buhok ko.

"ARAAAY! ANO BA MASAKIT!" Anggil ko. Nginisian niya naman ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad pababa ng building papuntang cafeteria para maglunch. Pareho kaming nakapamulsa habang naglalakad. Sa araw-araw naming pagdaan sa mga pasilyo at sa hagdanan man ay hindi na mawawala ang mga bulungan habang nadaan kami.

"Mygad bes ang gwapo nila"

"Tignan mo si Nathan bes ang gwapo parin kahit ang gulo ng buhok niya kyaaa. Naiinlove ako sa buhok siya"

"Look at Loki. Hindi ko alam kong gwapo ba siya o cute talaga"

"Kyaaaa. Ang gwapo nila talaga"

At hindi makakaligtas sa paningin ko ang 'ultimate' die hard fan na ata ni Nathan Fullbuster na si Monique Lockser. Tsk tsk, mas gwapo naman ako dito sa bespren kong 'to. Nakita ko siya na nakasilip sa isang pader sa di kalayuan. Di ata siya napansin ni Nathan kaya kinindatan ko nalang siya. Hahahaha. Bigla ay nagtago siya ng tuluyan sa pader kung nasaan siya nakasilip.

"Hoy bat di mo parin pinapansin si Monique" pag-uumpisa ko ng usapan.

"Who?" Inosente niya namang tanong.

"Yung kaklase mong matagal ng may crush sayo."

"Yung stalker ko?"

"Don't label her as your stalker dude. Babae parin siya no. Bat di mo kasi pansinin. Nasa iisang room na nga kayo" kawawa naman si Monique. Hindi naman siya pangit total ang ganda nga niya. Ewan ko ba dito kay Nathan bakla ata hahaha once, i saw her confessing her love to Nathan pero ang g*go nilayasan lang niya siya leaving her dumbfounded after confessing. Imagine how embarrassed she was. G*go kasi nito, sobrang mapili sa babae. Ang arte, parang virus sa paningin niya ang mga babae lalo na yung mga umaaligid sakanya.

"Then what is she doing just now? Isn't that a form of stalking? Tsk"

"Napansin mo? Wow ha nakakaramdam ka pala"

"Pre, lagi ko siyang napapansin na nakatingin saakin and it creeps me out. Hindi ko yon gusto at naiirita ako" Naiiritang ani niya.

"Umamin ka nga saakin. Bakla ka ba?"

"F*ck you" giving me his pokerface. Hahahaha

"Eh kasi pre hindi kita maintindihan. Ayaw mo sa mga babae. Ang harsh mo pa sakanila. What's your problem with them?"

"I just don't like it when they're swarming around me. Nakakairita sila. Di ka ba naiirita sa mga babaeng nagbubulungan habang dumadaan tayo?" Seriously, parang galit na galit naman 'to sa lahat ng babae. Woman hater talaga 'to.

"No. It's more like a compliment. Sinabihan ka na ngang gwapo ayaw mo pa"

"No need to mention that Lionheart because it's an obvious fact" sabay ngisi nito. Napangisi naman ako dahil the fact na woman hater to e gwapong gwapo naman siya sa sarili niya. Narcissism lol

"Oh e bakit pati kay Monique naiinis ka? Ilang taon ka na 'nong gusto wala pa rin?" Seryoso, ganon ba talaga? May mga taong kapag ayaw talaga wala? Hindi ka magugustuhan kahit anong gawin mo? Hayy. Bigla ay naalala ko si Pres. Miss ko na si Pres :3

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon