Chapter 9

271 6 2
                                    

Andrea's PoV 

 Nagmulat ako ng mga mata dahil sa ingay ng alarm clock ko. Pakiramdam ko ay tinatamad akong pumasok kaya naman nakapikit ko pang pinatay ang nagwawalang alarm clock ko at saka ako natulog ulit..


 zzZzzZzz.. 

 After 1 hour and 30 minutes 

 Napabangon ako bigla at dali-dali kong tinignan ang kaliwa ko kung saan nakapatong ang alarm clock ko sa isang mesa at tinignan kung anong oras na at nanlaki ang mga mata ko..

 8:45 A.M NAAAAAAAAAAAA!

 Napabangon ako ng tuluyan sa kama ko at mabilis na nagtatatakbo hanggang sa napahinto ako sa isang isipin...

 Sabado pala ngayon -___- Ay tanga. Oo nga pala. Nasanay kasi akong mag-set ng alarm ko kahit walang pasok. Next time nga hindi na ako magse-set ng alarm pag ganitong weekends. Kinabahan pa ako dahil akala ko late na ako. Nagtuloy na ako sa banyo ko para mag toothbrush at maghilamos na rin at saka ako bumaba sa may living room. Nasa second floor kasi ang kwarto ko. Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan ay naaamoy ko na ang napakabangong niluluto ng kung sino man dito sa bahay. Nang makababa ako ay naabutan ko ang aking kuya na nanonood ng Magi, yung anime na palabas sa GMA. 


 "Hello sa napakaganda kong kapatid" Malawak ang ngiting bungad saakin ng kapatid ko. Si kuya talaga. Alam na nga niyang obvious eh. Kaya mahal na mahal ko to kahit siraulo minsan. 

 "Hello din sa napakagwapo kong kapatid" Pero naaamoy ko yung pagkain eh. Nilagpasan ko si Kuya at nagtuloy sa kusina at nakita ko ang aking magandang ina na nagluluto ng kung ano.

 "Haaaaay inay kong maganda" Bati ko sakanya.

 "Oh hi din sayo anak kong maganda. Tawagin mo na ang kuya mo at ng makakain na tayo ng agahan" Sabi niya habang hinahanda na ang pagkain namin. 

 "Sige po Maaaa" Dumiretso ako sa sala at patakbo kung nilapitan ang kuya ko at niyakap siya... Ang sweet ko no? hahaha 

"Ang gwapo talaga ng kuya ko. Kain na daw tayo sabi ni Mama" Habang yakap-yakap ko pa siya

 "Hulaan ko. May kailangan ka no?" Sabi niya habang tutuk pa rin yung mata niya sa TV. 

 "Grabe naman iyan kapatid ko. Pag niyakap kita may kailangan na? Masama bang yakapin ka?" 

 "Sus. Alam ko na yang style mo" Hinarap ko siya tapos nag puppy eyes ako, like I always did. Mwahaha 

 "Talaga?" 

 "Ano bang kelangan mo?" YEEEEES! Mahal na mahal talaga ako ng kuya ko. 

 "Samahan mo ako sa Mall. Hehehe. Bibili ako ng mga CD's ng mga pending na anime sa bookmarks ko at tsaka ng mga kailangan ko sa school." Ngumiti naman siya. Alam ko yan eh. Gusto niya rin eh. Mahilig kasi kami pareho sa anime kaya nagkakasundo kami nito. 

 "Oh siya. Halika na at nagugutom na ako" Bumitaw na ako sa pagkakayakap at dumiretso na kami sa kusina. Nakaprepared na lahat doon at nakaupo na ang aming ina na maganda at hinihintay niya kami. Ang mga nakahain ngayong umaga ay hotdogs, itlog, bacon, fried rice at ang paborito namin ni kuya na... 

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon