Chapter 23

85 3 2
                                    

Matthew PoV

Patakbo kong nilisan ang silid kung saan naipakita ko na ang tunay kong nararamdaman para sakanya. Ang sakit lang kasi wala akong natanggap na kahit anong salita mula sakanya. Damn. It hurts. Dire-diretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa mapadpad ako sa aking tambayan, sa likod ng old school building kung saan maraming puno. Naupo ako sa ilalim ng isa sa mga puno at hinayaan kong umagos ang mga luhang pilit na kumakawala sa aking mga mata. Ang kirot ay naroon parin sa aking dibdib. Tila ba binabaliw ako 'non. Walang magawa, nagapi sa sariling laban. Sa ilang taon na ginugol ko para sa nararamdaman ko sakanya, ngayon lang ako nasaktan ng lubos. Mas maigi nalang ata na ganon nalang ang approach ko sakanya, maloko, yung stalker na alien niya nang sa ganon ay hindi ako masasaktan ng ganito. Nakakatawa lang dahil ngayon lang ako nagdrama dahil nasasaktan ako. Ang tingin ko kasi sa iba na dumaraan sa ganitong sitwasyon ay korni. Pero isa na rin ako sa mga korning iyon. Napabuntong hininga ako. Ilang minuto ang lumipas at naihiga ko nalang ang sarili ko sa damuhan. Ipinikit ang mga mata at hinayaang maglayag ang aking isipan. Sumagi sa isip ko si Andrea at yung Loki.

"Ano bang meron sa dalawang 'yon. Close sila ganun? Tsk"

Oo na at inaamin kong nagseselos ako. Bakit? Hindi ko rin alam. Basta naiinis ako pag nakikita ko silang dalawa lalo na kapag masaya siya kasama siya. Iniisip ko na dapat ako yon. Hayy Matthew, wala namang kayo. Maya-maya pa'y naramdaman kong may papalapit sa gawi ko. Nakapikit parin ako at hinayaan ko nalang na makalapit kung sino man iyon.

"Mukhang pasan mo ang daigdig pre"

"Ang sakit"

"Ng alin? Ng likod mo? Amin na hilutin ko" alam kong nakangisi ang ugok na 'to e.

"G*g* umalis ka dito"

"Haha. Wow nasasaktan ka pala hahahahaha-- Araaay!" binigwasan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Lumayas ka dito Fernandez kung ayaw mong masampulan ng nasasaktan kong damdamin"

"Ang korni mo pre haha ano masakit ba? Hahaha"

"Ha? Nagsalita ang taong wasak na wasak na ang puso"

"Atleast gwapo parin"

"Tang*na lumayas ka dito kung aasarin mo lang ako"

"Hahaha. Joke lang 'to naman. Oh, ano nga?" Tinignan ko lang siya. Tsaka ako nagbaba ng paningin. Nakakahiya na makita niyang iiyak ako. Tae talaga. Pero wala. Kusang tumulo ang mga luhang pilit kong tinatago. Naramdaman ko naman ang kamay niya na ipinatong niya sa balikat ko. Nagpapasalamat narin ako dahil nandito ang bestfriend ko sa tabi ko kahit na inaasar niya ako. Nakakagaan lang ng loob. Inipon ko ang aking lakas ng loob bago harapin siya. Nakita ko naman ang nag-aalala niyang mukha.

"Umamin ako. Naipakita ko na't lahat ang nararamdaman ko pero wala pa rin e. Ang sakit lang kasi parang araw-araw akong nasasaktan" Hindi siya nagsalita bagkos ay pinakinggan niya lang ang mga hikbi at iyak ko. Aahhh, nakakabakla naman.

"Siya na ata ang pinakamanhid na babae at hindi niya maramdaman yung nararamdaman ko para sa kanya"

"Hindi lang siya pre. Pati si Zariah ko" Napatawa naman ako dahil drinamahan niya pa ang pagkakasabi. Ang pangit niya bwahaha jk.

"How did you survive pre?" Curios kong natanong. Napatawa naman siya.

"Di syempre, tiniis ko lang kahit masakit. Hindi naman araw araw puro sakit lang. Never give up lang hahaha. Tsaka ramdam ko ring bibigay din 'yon. Sa gwapo ko ba namang 'to"

"Paano ba yan. Mas gwapo ako sayo tsaka ako ang gusto niya :3" Nginisian ko siya. Pinandilatan niya naman ako ng mata at tsaka itinaas ang middle finger niya. G*g*.

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon