Chapter 20

90 1 2
                                    

"Andrea!"

"Pres!" Sigaw ng dalawang binata sa biglang nahimatay na si Andrea. Buti ay nasa bisig ni Loki ang dalaga kung kayat hindi ito natumba sa lupa. Tinignan naman ng napakasama ni Matthew si Loki at ganun din naman si Loki. Nang walang ano-ano'y inagaw ni Matthew si Andrea sa bisig ni Loki at kinarga ito ng bridal style. Wala nang nagawa pa si Loki kundi panoorin na lamang ang papalayong Matthew na karga karga ang babaeng gusto niya. Matagal niya na ring gusto si Andrea simula noong magtransfer siya dito sa Fiore Academy. He was amused. Sa isip niya ay siya ang pinaka-cool na babaeng nakilala niya. At syempre, ang pinaka-cool sa lahat ng SC President. Mas lalo pa siyang na-amuse 'nong kausapin na niya ang President at nakita pa niya ang iba't ibang expression ng mukha niya. Ang cute niya sa isip niya noong minsang nakita niya ang nakapout na mukha niya. But he never had the courage to approach her. Kumbaga, isa rin siyang stalker ni Andrea. All he could do is to just stare and love her from the shadows. Sad reality. Hindi niya rin naman maamin dahil sobrang shy type ni Loki. Bumalik si Loki sa cafe at naupo sa isa sa mga upuan doon at itinuon ang isang kamay sa mesa at nakahalumbabang nakabusangot. Sa isip isip niya ay ito na 'yong chance para mapalapit siya kay President pero dahil sa biglang pagsulpot ni Matthew ay nawalang parang bula ang chance na naiisip niya.

"What's his problem?!" Nakakunot niyang singhal. Hindi niya talaga maintindihan kong bakit ganun nalang kung tumingin at makitungo sa kanya si Matthew as if naman na inaagaw nito ang girlfriend niya sakanya. Napatawa siya ng bahagya.

"Wag mo sabihing gusto niya rin si Pres?" Pagkatapos ay nangunot bigla ang noo niya. Posible ngang magkagusto si Matthew kay Pres, ani Loki sa isip niya. Hindi sila magkakilala ni Matthew pero kilala niya siya. Sa pagkakadinig niya ay ito daw ang heartbreaker dito sa campus dahil lahat ng mga babaeng nag-coconfess ng feelings sakanya ay nire-reject niya in a harsh way. Wala siyang alam sa kung ano ang ugali nito at kung paano ito makitungo pero sa nakita niya kanina ay hindi niya gusto ang ugali nito. Nilunod niya pa ang sarili sa pag-iisip nang biglang lumapit sakanya si Zach, si Zach Fernandez na sa pagkakaalam niya ay kaibigan ni Matthew.

"Sup Loki" Tinanguan lang ito ni Loki at binigyan ng ngiti. Umupo naman si Zach sa katabing upuan na inuupuan ni Loki.

"Tapos na sched mo ah. Bat di ka muna magliwaliw sa ibang mga booths?"

"Hindi na. Dito nalang ako at tutulong mamaya sa pagliligpit ng gamit."

"Sipag mo naman hahaha. By the way, gusto mo bang sumali sa track and field bukas?" Napaisip naman siya. Dalawa lang ang game na nasalihan niya at wala naman siyang sched sa cafe bukas kaya...

"Okay. Ikaw ba? Sasali ka?"

"Hahaha. Kaya nga pinapasali kita kasi ikaw ang substitute ko. Hehe peaaaace" Napatawa at iiling iling nalang siya sa tumatakbong Zach. Medyo close naman niya si Zach, actually lahat naman ng mga kaklase niya kaya pumayag nalang siya. At isa pa, if he wins...

"Aiish! Bat kasi meron pang ganun" Okay lang sana kung siya ang mananalo dahil hindi niya gagawing advantage 'yon para lang maka'kiss' kay Pres pero paano pag iba? Paniguradong magtatake advantage sila. Aiiish! Singhal niya sa isip. Nagpatuloy lang siya sa paglalayag ng kaniyang isip.

Loki, sino ka sa buhay ni Andrea?

Andrea PoV

Unti-unting nagigising ang diwa ko pero pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko. Tahimik ang paligid at hindi ko alam kong nasaan na ba ako. Ang naaalala ko ay pinagpapasapasahan ako nila Loki at Matthew at ang huling pagkakatanda ko ay nasa bisig ako ni Loki kaya baka si Loki ang nagdala saakin dito. Unti-unti kong inimulat ang paningin ko at ang puting kurtina na nakatabing ang una kong nakita. Bumangon ako para hawiin ang kurtina at nakita ko ang lalaking nakatalikod mula saakin na nakasubsob ang mukha sa mesa na animong natutulog at ginawang unan ang mga braso nito.

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon