Chapter 1

1.6K 28 7
                                    

Andrea's PoV

"Andeng.Andeng..Andeng..Bading..Bading..ding..ding.."Seriously?! Sinong hindi iinit ang dugo pag ganyan ang bumungad sa umaga mo? He's an alien afterall -_- I wonder kung saang planeta ba siya nanggaling. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa school grounds namin at hindi nalang siya pinansin. Patuloy parin siya sa pagcha-chant nung pangalan ko hanggag sa hindi na ako nakapagpigil...

"Hoy ikaw Alien! Kung mambwebwesit ka rin lang ng tao, humanap ka ng iba at wag ako! Nakakairita ka alam mo ba yun?!" Inis na hiyaw ko sakanya.

"Aww. Pero isang Alien din ang gusto ko eh. And I can't find anyone" 

"So anong gusto mong palabasin? Na Alien ako na kagaya mo ha?!" Lumapit siya saakin kaya bahagya akong napaatras. Aatras ako at lalapit siya.Ganun ng ganun hanggang sa hinapit niya ako sa bewang ko at bumulong siya saakin. Ramdam ko ang hininga niya sa aking tenga na siyang dahilan ng pagtataasan ng aking mga balahibo.

"Oo. Dahil bubuo tayo ng isang mundo. Na tayong dalawa lang" Waaa. Para akong nakuryente na ewan kaya naman tinulak ko siya at umastang parang giniginaw dahil sa parang inakyat ako ng kuryente sa katawan ko. Hindi lang siya Alien! Isa siyang PERVERT!!!

"Ugh! Lumayo ka nga saakin!Shoo. Isa ka talagang Alien na walang ginawa kundi ang mang-inis. You're annoying!!"

"Sayo lang naman eh. President" At ngumisi pa ang Alien. Argh. This guy!!! Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na akong maglakad patungong classroom namin. Nagpapasalamat ako dahil hindi ko kaklase yung alien na yun! Hayy. Pagpasok ko sa classroom ay biglang nagdilim ang paningin ko.

"Patay. Nandito na si Pres." Rinig ko pang sabi ng kaklase kong lalaki na animo'y nahuling gumagawa ng kababalaghan! Lumapit ako doon sa mga lalaking nagkukumpulan na nakangiti. Ngiting hindi mo aasaming makita mula sa Council President. Hinablot ko sa kanila yung mga hawak nila.

"Diba sabi ko...BAWAL ANG PORN MAGAZINE DITO SA LOOB NG SCHOOL LALO NA DITO SA KLASE NATIN?!!!!!"

Third Person's PoV

Kasalukuyang nakayuko at paulit-ulit na nagmumura ang mga lalaking sangkot sa krimen na ito. Yes. Krimen ang tawag niya sa ganitong bagay. Hindi naman talaga nakakatakot ang mukha ng kanilang President. Mayroon nga silang kasabihan na, "the evil resides inside that angelic face". Saan ka nga naman makakakita ng babae na dinaig pa ang mga judo students sa galing sa pakikipagbuno dahil wala siyang sinasanto kahit pa ito'y lalaki.

"Huhu. Ang lupit talaga ni Pres kahit kelan."

"Wala ng rights ang mga lalaki dito sa school na ito"

"Waaaa. We're dead!" Ito ang nasa isipan ng mga lalaking sangkot sa kaguluhang ito.

"CONFISCATED LAHAT NG MGA IYAN. LAHAT NG MGA MAGAZINE NA NASA BAG NIYO, ILABAS NIYO NA!"

"Pres. Wag naman! Source of entertainment namin yun eh! Bakit yung mga girls. Hindi niyo sinisita bakit puros kaming mga boys lang?!" Protesta ng isa. Ngunit nasindak siya ng tignan siya ng masama ni Andrea.

"Uhhhh." At dali-dali siyang pumunta sa bag niya at kinuha ang porn magazine niya.

"ANO NA?! BILISAN NIYO! ISA..DALAWA.."

"Bakit parati nalang kaming mga boys ha?Simula ng maging President ka ng School ay wala ng kalayaan ang mga kalalakihan dito. Bakit ba—-"Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nandyan na ang masasamang tingin ni Andrea

" Oo na! Oo na!" Tumingin naman si Andrea sa iba at mabilis pa sa kidlat na nagsipunta ang mga kalalakihan sa kani-kanilang mga bags.

"Good. Hindi niyo ba nabasa sa Rules and Regulation ng School ang mga ito?! Diba, paulit-ulit ko na sainyong sinasabi pero hindi parin kayo nagbabago!!!" At umalis na si Andrea at nagpunta na sa SSC office(Supreme Student Council)

"Hindi na talaga makatarungan yang Andrea na yan."

"Porket SSC President siya ay pwede na niyang gawin lahat!"

"Maghanda na siya sa pagbagsak niya" Yan ang  mga sinasabi  ng mga lalaki matapos umalis ni Andrea..

Meanwhile...

Habang naglalakad si Andrea papuntang SSC office ay hindi sinasadyang nahulog ang isang Magazine na hawak niya kaya naman pinulot niya ito.

"Nice view" Biglang nag-init ang mukha ni Andrea ng pagtingin niya sa likod niya ay nandoon si Matthew na nakasilip habang pinupulot niya ang magazine.

"Pfft. Pikachu. Nice undies!" And on cue. Sinapak ni Andrea si Matthew at pinaghahampas niya ito ng dalang magazine. Sa isip-isip ni andrea ay kung paano siya napunta doon. Sabagay, isa siyang Alien na nakakapagteleport!

"Bastos ka talaga! Pervert! Alien!Ugh!" And hit him with her final blow!

"Aww"

"Anong ginagawa mo diyan at paano ka napunta diyan?!Isa ka talagang Alien no, stalker!"

"It's because of love you know!" 

"Love..love! Lablabin mo mukha mong PERVERTED ALIEN STALKER KA!!!!"

Andrea's PoV

Pumasok na akong SSC office para magtrabaho. Sumalubong saakin si Justin Dreyar, ang Vice President ng Council.

"Umm Pres. Heartfilia, may problema po tayo" Nag-aalangang sabi niya. Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano nanaman iyon Justin?"

"Ah-eh.Umm. Ano kasi. Ah.Ano."

"ANONG ANO?! BILISAN MO MADAMI PA AKONG KELANGAN GAWIN!"

"Huhuhu. Sorry na Pres. Kasi ano yung mga Class 4-D nagwawala sila sa room nila. Nadidisturb ang ibang mga klase T_T" Lalong nag-init ang ulo ko dahil yung klase nanamang iyon ang naireport saakin. Parati nalang iyon ang klaseng pinakamagulo sa lahat! At ang mas nakakainis ay nandoon ang PERVERT NA IYON!

"Tawagin mo sina Arkie Strauss at Jovan Clive. Pupunta ULIT tayo doon sa klaseng iyon."

"Oh sige." Sila Arkie at Jovan ay ang mga disciplinary ng school. Papunta na kaming class 4-D at hindi pa man din kami nakakarating ay napaka-ingay na nila. Nasa tapat na kami ng matigilan sila nang makita nila kami.

"Oh! Andito nanaman ang ating President! Narinig niya ata tayo. HAHA" At nagtawanan sila. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si MATTHEW DRAGNEEL na nakaupo lang sa upuan niya habang nakapikit, naka-earphone siya eh. Naglakad ako papalapit sakanya. Nang makatapat ako sa kanya ay nagmulat naman siya ng kanyang mga mata. Ngumisi pa ang loko.

Inalis niya ang earphone niya at ipinatong ang isang kamay sa mesa habang nakahalumbaba siya rito. Pinatong ko naman ang dalawang kamay ko sa mesa. Magkaharap kami ngayon, siya naka-upo ako naman nakatayo. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Pumorma naman ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Are you going to kiss me, President" Nakangising tanong niya. Manyak talaga!

"Diba ikaw ang class president nila?"Mariin kong sabi sakanya. Inalis niya ang kamay niyang nakahalumbaba at inilapit niya ang kaniyang mukha dahilan upang bawiin ko ang paglapit ng mukha ko sakanya hanggang sa nakatayo na siya at ang dalawang kamay niya ay nakapatong sa lamesa tulad ko. Ngayon ay magkaharap na kami at nakatingin siya sa mga mata ko.

"Oo, ako nga Pres. May problema ba?" Nakangisi niyang sabi. Nakakainis ang mga ngisi niya. Umiwas na ako sa pagkakatitig sakanya  dahil naiirita na rin ako sa mga matang nakatingin saakin, saamin. Tinignan ko sila ng masama at nag-iwas sila lahat ng tingin pati narin sila Justin, Arkie at Jovan. Ibinalik ko ang tingin ko kay Matthew.

"Class President Dragneel. Ilang beses na naming sinita itong klase ninyo kaya lang wala paring pinagbago. Palagi nalang kayo!Papalampasin ko to, pero isang beses pang maireport kayo saakin, Ipapaguidance ko kayong lahat. Maliwanag?! Gawin mo ang responsibilidad mo bilang class President!" At umalis na kami sa klase nila.

Matthew's PoV

Lumabas na siyang Room. It was just an act,

because I just want to see her.

She's really amazing!

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon