Chapter 21

109 1 4
                                    

KINABUKASAN. Ikatlong araw na at lahat ng estudyante ay sobrang excited sa magaganap na track and field. Halos lahat 'daw' ng mga 'gwapo' sa campus ay sumali. Ang mga girls ay hindi na nag-abala pang sumali dahil magchi-cheer nalang sila sa kani-kanilang mga 'bet'. Tapos na ang lahat ng laro at ito ang inihuli nila. Subalit kong sino mang manalo dito ay paniguradong ang section A na ang champion sa overall. Pero may isa sa mga kalahok na determinadong manalo kahit anong mangyari. Hindi daw siya papayag na kung sino lang ang mananalo dahil...

"This is the best way to atone your sin" Nakangisi man ay may kaunting inis na bumabalot sa kanyang puso. He's been looking after her. Nakita niya kung paano ngumiti at nag-pout pa ito sa harap ng lalaki. Ni hindi nga niya ito nasisilayan tapos ganon nalang kadali para sakanya na ipikita iyon sa iba. Pero naisip niya, sino nga naman siya sa buhay nito? Isang alien? Stalker? Napabuntong hininga siya at sa hindi inaasahan ay nagtama ang paningan niya at 'nong lalaking tinawag ni Andrea na Loki. Masama agad ang tingin na ibinigay niya dito. Blangko naman kung tumingin si Loki. Nagsukatan pa sila ng tingin at saka pumwesto na sa starting line at hinintay ang hudyat.

*BANG!*

Napuno ng sigawan ang buong paligid 'nong magsimula na ang laro. May mga bandiritas kung saan nakalagay ang pangalan ng ichini-cheer nila. Sigaw doon, sigaw dito habang tumatakbo ang mga manlalaro. Dikit ang laban ng section C at D.

"GO MATTHEW! GO MATTHEW! GO! GO! GO MATTHEW!"

"BILISAN MO PA MATTHEEEEEW!"

"NATHAAAAAN!"

"WAAAAA! HUMAHABOL SI LOKIIII! GO LOKIIIIII!"

"LOKI! LOKI! LOKI! LOKI!"

"GO VISEEEEEE!"

Sa isang banda sa field ay nakatayo sa malaking puno si Andrea habang pinapanood ang laro. Nagulat pa siya nang makita niya si Loki na kasali sa laro. Nakita niya kasi ito kanina sa starting line bago siya pumwesto malapit sa finish line. Dikit nga ang laban at salitan sina Matthew at Loki sa pangunguna. Hindi maintindihan ni Andrea kong bakit ang lakas ng tibok ng puso niya. So gloomy. Pakiramdam niya pa'y kinakabahan siya na malungkot. Haahh! Nababaliw na ako sa isip niya. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang lalaking ito. She's bothered. Nakakabaliw ang pag-iisip lalo pa't bago ito. Hindi siya sanay. Lumipas ang mga segundo at malapit na nga sa finish line ang mga kalahok. Literal na sila Matthew at Loki lang ang nangunguna at nahuhuli ang iba pang mga kalahok. Wala pa man sa finish line ay nagulat pa sila Matthew at Loki nang makita si Andrea. Sa isip ng dalaga ay para bang hinihintay niya kung sino man sa dalawa ang mananalo. Pakiramdam niya tuloy ay pinag-uunahan siya ng dalawang lalaki patungo sa puso niya. Baliw ka na Andrea. Baliw. Nainis siya sa sariling naisip. To think na maiisip niya ang isiping iyon. Mas bumilis ang tibok ng puso niya 'nong habang tumatakbo ang dalawa patungo sa finish line ay nakatingin ang mga ito sa kanya. Seryoso silang nakatingin at habang papalapit sila ng papalapit ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Tugdug. Tugdug. Parang nagslow motion ang lahat sa paningin ni Andrea ng halos sabay nilang marating ang finish line.

"Waaaaaaah! Sabay silaaaa!"

"Tieeeee!"

"OMYGASH!"

"Ang hoooot nilaaaaa"

"Kahit pawisan ay ang gwapo pariiiin."

Ilan lamang ito sa mga reaksiyon ng mga manonood matapos ang laro. Inis naman si Matthew dahil hindi niya inaasahang tie ang magiging resulta nito. Natuwa naman si Loki dahil atleast hindi talo.

Andrea PoV

Hindi ako makapaniwala sa naging resulta ng laban. Tie. Meron sa loob loob kong nanghihinayang dahil hindi isa sa kanila ang nanalo. Pagkatapos ng laro ay pumunta ako sa isa sa mga stall at bumili ng bottled drinks. Napabuntong hininga nalang ako at babalik na sana sa kung saan nang biglang sumulpot sa harap ko si Loki. Pawisan man ay mas lalo siyang gumwapo dahil sa wet hair niya. Geez. Hindi ko napigilang mag droll kaya bahagya siya napatawa. Napahiya naman ako.

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon