Chapter 14

181 10 6
                                    

Andrea PoV

Huling araw na ng pag-aayos kung kaya't double time ang ginagawa namin. Kahit kakaunti nalang ang kailangan ayusin ay kailangan pa rin naming mag-double time para makapagpahinga kami ng maaga upang mabawi namin ang lakas namin para bukas. Sa nakalipas na dalawang linggo, ang lahat ay tulong tulong sa pag-aayos ng kanya-kanyang booths nila at syempre sa mga magaganap na laro dito sa school. Wala namang naging poblema dahil lahat ng mga gagamitin namin para sa dekorasyon at mga pa-premyo ay na settle na ng school. Ang lahat ay handa na para bukas at ang karamihan ay nagpapahinga na. At syempre bilang ako ang inyong maganda at masipag na President Council ay sobrang nakakapagod ang bawat araw na nagdaan subalit sa bawat araw na iyon ay nagpapasalamat ako dahil hindi ako ginugulo nung Alie------

"Ay Alien ka!" Nagulat ako ng may biglang kumalabit saakin. Hindi pala. Eto na siya oh. Guguluhin na ako niyan pustahan tayo

"Hi Pres" Ngiting ngiti niyang bati saakin. Nandito ako ngayon sa isang hilera ng mga faucets sa likod ng Library. Inaayos ko kasi yung isang faucet dahil hindi gumagana. Kung hindi niyo naitatanong ay isa akong plumber. Joke. Alam ko lang talaga ang ginagawa ko kaya ako na ang aayos dito.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko at nagbalik na sa ginagawa ko.

"Namiss kita e" Argh. Ito nanaman siya sa mga ka-alienan niya. Hindi ako sumagot bagkos nagtuloy lang ako sa pangangalikot ko.

"Pres" Kinalbit-kalbit niya ang likuran ko pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"ANO BA!!!" Singhal ko ng bigla niya akong kilitiin sa tagiliran ko. Nambwebwesit nanaman tong lalaking to! Naiinis na ako.

"Tignan mo'ko" Parang bata niyang sabi. Alien nga talaga tong lalaking to. Tignan mo oh, anong drama niya't nagpapacute siya. Hindi naman cute!

"Oh" Tinignan ko siya ng nabobored na tingin at tsaka nagbalik sa ginagawa ko. Subalit pinihit niya ulit ako paharap sakanya. Nakita ko naman yung mukha niyang nakangiti na parang bata. Poteeeek. Ang gwap--pangit niya!

"ANO!" Nakakainis na 'tong lalaking to ah!

"Grabe naman Pres. Ngayon na nga lang kita nakita at nakausap ganyan ka pa saakin" Ano bang problema nitong lalaking to? Ngayon naman nagpapa-awa siya. Naku naku!

"At naglast minute ka pa talaga para bwesitin ako no?"

"Save the best for last" Nakangisi niyang sabi. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Bwesit!

"Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko pero hindi pa rin siya umalis. Bahala siya dyan. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko at dahil nga sinave niya ang araw na ito para bwesitin ako, sa huling pagkakataon na kiniliti niya ako, ayan! Nabeastmode na ako at sa sobrang inis ay nahampas ko ng malakas ang faucet at....

*SPLASH*

Nagshower ako at ang mas nakakainis, AKO LANG YUNG NABASA! Habang yung unggoy ay tumatawa. Kukulamin ko na talaga tong lalaking to.

"ARRRRRRGGH!" Singhal ko sakanya at dali-daling inayos ang faucet. Nahinto na ang pagshower nung faucet at heto ako, basang sisiw.

"Kasalanan mo to e!" Paninisi ko. Masama ang tingin sa kanya dahil patuloy pa rin siya sa pagtawa. Nahinto naman siya saglit at naging seryoso ang mukha niya. Baliw!

"Oh ano? Tsk"

"Ehem" Tumikhim lang siya. Napapansin ko naman ang pamumula ng mukha niya. Ibang klase din tong lalaking to eh no? May bipolar disorder ata to e.

"Ano nga?! Nakakainis kana ah!" Wala akong nakuhang sagot kundi ang pag-nguso niya at tila ba may itinuturo sa harapan ko.

"Baliw kana talaga." Akmang tatalikod na ako para iwanan sana tong lalaking to ng bigla niyang higitin ang braso ko. This guuuuuuuy!

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon