Chapter 29

66 1 0
                                    

Mabilis na nagdaan ang mga araw. Naghahanda na ang lahat para sa Foundation Day ng Fiore Academy. As usual ay busy ang lahat lalo na ang council.

"Ano ba Justin! Asan na ang mga pinabili kong materyales kila Max at Steve?" pawisan man at pagod ay nagagawa paring magsungit ni Pres. Napakamot naman si Justin sa kanyang ulo.

"Malapit na sila Pres. Promise hehe. Gamit nila kotse ni Max kaya mabilis silang makakarating." Ngunit sa loob loob niya ay paulit-ulit niyang minumura ang dalawa sa isip.

"Siguraduhin mo lang na darating agad sila kung hindi ay ikaw ang gagawin kong dekorasyon dito." Nagbabantang tinig ni Andrea. Napalunok naman si Justin.

"Yes, Pres. Kingina asan na yong mga ugok na 'yon. Wag nilang sabihin na naglibot na sila 'don!" Bulong niya pa sa sarili nang talikuran siya ni Pres.

Ang Foundation Day ng Academy ay isa sa mga pinaka-aabangang event dito. Mas maraming booth ang itinatayo. Mga stalls ng pagkain na talaga namang nakakatakam. Mga events katulad ng mga palaro, quiz bee, mga pa-contest with prizes at marami pang iba. Ngunit ang kaabang-abang talaga ay ang tinatawag nilang Fiore's Night at ang search for Mr. and Ms. Fiore.

Abala ang lahat sa pag-aayos ng mga entablado, booths, events at marami pang iba. Ikalawang araw na at ngayon ay gaganapin ang screening for Mr. and Ms. Fiore. Sandaling nahinto ang lahat nang magsipagpunta ang lahat ng mga estudyante sa gymnasium para manood.

Andrea PoV

Pagod na pagod man ay nagbihis na ako ng maayos na suot para sa screening ng Mr. and Ms. Fiore. Hindi dahil isa ako sa mga rarampa ngunit isa ako sa mga judges. Dahil nga I am forced, no, I mean I am one of the contestants whether i like it or not dahil sa tradisyon na rin dito. Ang mga nagiging President elect ay isa sa mga contestant sa patimpalak na ito sa huling termino nila. Ngunit ito ang unang beses na babae ang sasali dahil ang dating mga President ng Council ay mga lalaki.

"Nako Andrea! Bakit ganyan ang suot mo??" Nagulat ako sa pagpasok ni Joyce dito sa girls bathroom. Ako lang ang nandito dahil sinabi kong ako lang ang gagamit. Tinignan ko naman ang aking sarili sa salamin.

"Maganda naman ang suot ko ah?" Nakanguso ko pang sabi. Tinignan ko ang suot kong cute na cute na blue dress. Above the knee ito at plain lang siya. Walang kaartehan na design. Bakit? Screening lang naman.

"No. No. No. Hindi dapat ganyan ang suot mo. Dapat kabog ang aura mo doon. Alam mo ba kung sino ang mga sasali? Nako! Dapat ikaw ang pinakamaganda doon. Tandaan mo isa ka rin sa mga contestant no." Mahaba niyang sabi.

"Eh screening palang naman. Saka na ako mag-aayos ng 'bongga'pag actual pageant na." Tinignan lang niya ako at saka umiling ng umiling. Tsk tsk. Ano nanaman ang balak nito.

"Ako ang bahala sayo." At lumapit na siya saakin matapos niyang isara ang pinto. Napaatras naman ako.

"Teka nga. Woi, bat ka ba andito? Bat di ka sumali?" Pag-iiba ko ng usapan habang nakikipag patintero sakanya sa loob ng Cr.

"Ang mga ganyang bagay ay hindi ka-level ng kagandahan ko kaya ipapaubaya ko na iyon sainyo." Aba naman. Hindi ko alam na gandang ganda rin siya sa kanyang sarili katulad ni Lorenz at ni... Matthew.

"Ehem. Ah basta. Okay na itong ayos ko Joyce. Wag ng makulit." Ngunit hindi niya ako pinansin at tuluyan na nga niya akong nahuli. Wala akong nagawa kundi ako naupo nalang nang makita ko ang nakataas niyang kilay dahil alam kong wala rin lang akong magagawa kahit magalit man ako o maglupasay dyan dahil mapilit siya at MAKULIT!!!!

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon