Third Person's POV
Nag-iisip. Nag-iimagine. Nangingiti. Kinikilig. Nang biglang maalala niya ang kaniyang realidad. Ngumuso ito na animo'y maiiyak pa at binalot siya ng kalungkutan. Lungkot na kung saan ang taong iyon lang ang may kakayahang alisin ang lungkot na bumabalot sa kanyang puso. Madali siyang bumaba sa hagdan.
"When will he notice me?" Malungkot niyang katanungan sa sarili. Ngumuso ito. Nagmamaktol ang kalooban. Iniisip kung ano ba ang mali sa kanya at hindi siya mapansin ng kaisa-isang lalaking nagustuhan niya sa tanan ng buhay. Nasasaktan siya para sakanyang sarili. Bahagya siyang napatawa dahil sa mga pinaggagagawa niya. Loving him from a distance. Always hiding in the shadows. She once confessed her feelings but got rejected. But still, all she could do is to keep loving him unconditionally without anything in return. Not giving a damn whether he sees her or not. The efforts are always wasted but the hell she care. Aminin niya man o hindi, pagpapakatanga ang tawag doon. Pero anong magagawa niya? Iyon ang nasa puso niya. Kahit pigilan niya ang sarili kung ang puso't isip niya ay isinisigaw ang pagmamahal na kailan man ay hindi masusuklian. Dinala siya ng kanyang mga paa sa lugar kung saan tahimik, walang tao dahil iilan lang ang pumupunta doon. Ang lugar kung saan maraming mga puno na nagsisilbing silungan ng gustong magpahangin. Nakaka-akit na humiga dahil sa malinis nitong bermuda grass. Nakaka-aliw pagmasdan ang mga magagandang bulaklak. Nagpapasalamat siya dahil may ganitong lugar sa loob ng school kung saan tumambay ka lang doon ay nakakagaan na sa mabigat mong kalooban.
Naglakad pa siya papunta sa pinakamalaking punto upang mahinto lamang nang marinig ang mga hikbing hindi mo nanaising marinig dahil sa sakit na kumakawala sa bawat hikbing nililikha ng kung sino man. Mas lumapit pa siya rito. Nakita niya ang likuran ng lalaking umiiyak. Pamilyar sakanya kung sino ang lalaking nakatalikod sakanya. Nang makaramdam ang lalaki sa presensya niya ay napalingon ito sa kanyang likuran. Bahagya siyang nagulat at napalitan ang pagkagulat niya ng isang mapait na ngiti. Ngumiti naman siya rito at tuluyan ng tumabi sa lalaki.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng lalaki sakanya.
"Iiyak sana kaso may nauna na saakin" Napatawa naman ng bahagya ang lalaki.
"Bakit, hindi ka nanaman niya pinansin?" Tanong ulit ng lalaki sakanya. Mapait naman itong ngumiti saka nagbuntong hininga.
"Ganon naman parati. Para akong hangin na nasa tabi lang niya pero hindi niya kita" Parang bata na nagmamaktol niyang sabi. Napatawa nalang ang lalaki at katahimikan na ang namutawi. Napatingin naman siya sa lalaki at bumalatay ang pag-aalala sa mukha niya dahil sa nakikita niya sa lalaki. Sobrang sakit. Ang mga mata niya ay namumula dahil sa sobrang pag-iyak. Ang mukha niya ay mistulang kamatis sa sobrang pula na. Naaawa siya para rito. Ngayon lang niya ito nakitang ganito dahil madalas ay masayahin at mapang-asar ang lalaki. Dahil mahal niya ito. Sa isip niya ay napakaswerte ng babaeng iyon dahil mahal na mahal siya ng lalaking ito. Batid niyang mas masakit ang pinagdaraanan nito kesa sa kanya ngunit isa lang ang katotohanan. Katotohanang nasasaktan sila dahil sa taong mahal nila.
"Ang sakit sakit Monique" Bigla ay nagsalita ang lalaki. Nanatili naman siyang tahimik at nakinig sa susunod pa nitong sasabihin.
"Ang sakit isipin na ayoko ng magpatuloy dahil ang sakit na ng nararamdaman ko" pumipiyok piyok pa ito habang sinasabi ang mga katagang binitawan niya. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Parang hindi niya kayang makita siyang ganito.
"Nasabi kong pagkakamali ang mahulog sakanya. Pero ang totoo, iyon na ata ang pinakamagandang bagay na ginawa ko. Falling inlove with her was the best feeling i ever had." Napahinto ito at saka napatawa ng bahagya.
"Pero wala e. Kahit ano pa atang gawin ko hindi niya makikita iyong pagmamahal na pilit kong ipinararamdam sakanya." Naaawa ito sa lalaki pero ano nga namang magagawa niya e pareho lang naman sila ng sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Her Perverted 'Alien' Stalker
Teen Fiction"I'll make you fall for me as many times as needed." "This may be the end for us. But you will be forever engrave in my heart."