Chapter 13

171 7 1
                                    

Andrea PoV


Lumipas ang mga oras at last subject na namin. Math pa naman to. Tsk. Sa mga nakalipas na oras ay hindi ako nakikinig o iniintindi man lang ang mga sinasabi ng mga lecturer ko, buti nalang hindi sila nagpa-quiz, sana sa math din. Discuss lang sila ng discuss habang ako ay naglalayag ang utak. Iniisip ko kasi ang mga sinabi saakin kanina ni Matthew. Hindi ko maitanggi na nakaramdam ako ng kirot sa aking puso nang makita ko ang expression na iyon sa mukha niya. Iyong Mathhew na nasasaktan, na ngayon ko lang nakita sa tanan ng buhay ko. Sa apat na taon niya saaking pambwebwesit, Oo, apat na taon na niya akong bwenibwesit at ngayon ko lang nakita yon. Nakakapanibago. Sa apat na taon na iyon ay lagi niya akong sinasabihan ng mga ka-alienan niya, lalo na iyong I love you. Napapabilis man nito ang pagtibok ng puso ko ay hindi pa rin ito nakarating sa puso ko. Yung tipong malulusaw na iyong puso ko dahil sinabihan niya ako non? Hindi ko maramdaman na gusto ko siya o mahal ko siya. Ang nararamdaman ko sakanya ay inis. Yun lang. Mahal niya ako? Pero bakit hindi ko maramdaman? Hindi man lang nun nabago ang tingin ko sakanya. Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang...


"Get one whole sheet of pad paper" Oh sheet. Wala akong naintindihan. Sabayan pa ng pagwawala ng mga alaga ko sa tiyan ko. Nagugutom na ako :'( Mahirap sumagot lalo na sa math kapag gutom ka kaya ang resulta.

"MS. HEARTFILIA! I CAN'T BELIEVE YOU! YOU GOT ZERO FOR PETE'S SAKE!" Na-itlog po ako for the first time in forever!

"Retake the quiz! Hindi ka kakain hangga't hindi ka nakakakuha ng kahit isa! The rest, you may go" Huhuhuhu. Naiinggit ako sakanila kasi makakakain na sila.

"Pres, una na ako" Tinanguan ko lang si Justin. Kaklase ko pala siya for your information.

"Ma'am. Pwede po bang kumain mo na bago ko iretake ito?" Nagmamakaawa kong sabi kay Ma'am

"Diba kakasabi ko lang na hindi ka kakain hangga't hindi mo natatapos ito? At dahil hindi ka pala nakikinig saakin ay dodoblehin ko itong quiz mo!" Naku po! :'(

"Ma'am. May itetext lang po ako saglit. Okay lang po?"

"Sige. Bilisan mo habang gumagawa ako ng iquiquiz mo" Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Joyce

Compose Message

To: Joyce

-Joyce. Pabili nga ng pagkain. Hindi kasi ako makababa kasi na-zero ako sa Math kaya ireretake ko pa tapos doble pa :'(. Hehe. Hatid mo na dito sa room.

PS. GUTOM NA GUTOM NA AKO. HINDI AKO NAG BF. Thanks. Labyu.

Message Sent

"Ano ba kasing ginagawa mo at bakit ka na-zero,Andrea"

"Sorry po. Hindi na po mauulit" Wala akong masabi kaya nagpaumanhin nalang ako. Kasalanan kasi nung lalaking yun eh. Huhuhu. Ibinigay na ni Ma'am yung iqui-quiz ko kaya naman. Nanonosebleed ako. Hindi ko alam yung iba. Binigyan ako ni Ma'am ng examples kaya inaral ko muna ito saglit. Buti nalang mabait si Ma'am kahit papaano. Dahil nga doble ito ay 1-30 tuloy ang akin. Nakalipas ang ilang minuto ay nasa problem 25 na ako. Tumingin ako sa orasan sa harap at 12:30 na pala. Mayroon pa akong isang oras para kumain. Ang tagal naman ni Joyce :'( 1:30 pa ang simula ng klase sa hapon.

"Malapit ka na bang matapos, Andrea?"

"Lima nalang po Ma'am." Sabi ko tapos tinuloy ko na ang pagsosolve. Apat nalang.

"Oh sige. Tutal malapit kanang matapos, aalis na ako. Ibigay mo nalang sa Math department, sa office ko doon. Mauna na ako, may aasikasuhin pa ako. Pagkatapos mo dyan, you can have your lunch." Inayos na ni Ma'am ang kanyang mga gamit.

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon