Andrea PoV
"Oh. Is this what they call destiny, Pres?" Anong ginagawa ng lalaking to dito?! Hanggang dito ba naman?
"Anong ginagawa mo dito?"
"Kakain siguro" Alam niyo na. Oo, nakangisi niyang sabi.
"Leche. Bitawan mo nga yan! Ako unang nakakita neto" Saka ko hinila yung CD pero hindi niya ito binitawan.
"Sigurado ka? Eh ako nga iyong unang nakahawak nito eh."
"Akin na kasi!" Hinila ko ulit pero hindi niya pa rin binibitawan ito
"No"
"Akin na!"
"Hindi pwede"
"Bakit hindi pwede!"
"Kasi ako ang nauna"
"Ako ang nauna!"
"Hindi. Ako ang nauna"
"Ako nga!"
"Ako"
"Ako!"
"Ako."
"Ako nga!"
"Ma'am, Sir. May problema ba?" Biglang singit nung isang staff nitong shop. Nagsisigawan na kasi kami nung alien na to dito eh. Akin nga tong CD eh.
"Ako po kasi yung nauna dito. Tapos hindi niya ibigay saakin."
"Excuse me. Ako ang unang nakakita. In fact, kukunin ko na sana nang agawin nito" Turo niya saakin. Nagsukatan pa kami ng tingin. Masamang tingin ang ipinukol ko sakanya at ganun din siya.
"Ah eh. Sige po, magtitingin lang po ako kung may iba pang stock nito. Sandali lang po ha." At umalis na yung staff. Hindi ko pa rin binibitawan yung CD. Mamaya eh wala na palang stock.
"Akin na kasi to!" Pagrereklamo ko pero ngumisi lang siya at iniba ang usapan.
"Mahilig ka rin pala sa anime"
"Oo bakit? Kaya akina iyan!"
"Meant to be talaga tayo, Pres. Mahilig din ako dito eh" O___O Ha? Etong lalaking to? Nanonood din ng anime? Weh? Ha? Weh? Ah basta. Saakin 'tong Nurarihyon.
"Ibigay mo na kasi to saakin. Ang tagal tagal ko na itong hinahanap eh"
"Eh kung ayoko?"
"Ibigay mo na sabi eh" Magsasalita pa sana siya nang biglang lumapit ulit yung staff
"Naku, Ma'am, Sir. Wala na po kaming stock niyan. Matagal na po kasi iyan at naibenta na yung iba. Iyan na lang po talaga ang available. Pasensya na po"
"It's okay miss. You can leave. Kami na ang bahalang mag-usap" Ano?! Magproprotesta pa sana ako kaso...
"Okay po Sir. Basta po wag lang po kayong maingay kasi nagrereklamo na po kasi yung ibang costumer kanina. Pasensya po ulit" At umalis na iyong staff.
"Oh amina." Paghihila ko sa CD pero hindi pa rin niya binibitawan.
"Ano ba?! Akina sa--" Bigla niyang itinakip yung isa niyang kamay sa bibig ko. Infairness mabango yung kamay niya. Ay erase.
"Sabi nang hwag mag-iingay eh. Do you want it that badly?" Tinignan ko siya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin saakin. Mukhang gustong gusto rin niya eto eh..
BINABASA MO ANG
Her Perverted 'Alien' Stalker
Fiksi Remaja"I'll make you fall for me as many times as needed." "This may be the end for us. But you will be forever engrave in my heart."