Andrea PoV
Nagising ako ng maaga dahil magi-start ng maaga ang opening remarks para sa sports fest at dahil ako ang President ng Council ay kailangan kong maging maaga. Tinatamad mang bumangon dahil pakiramdam ko ay hinihila ako pabalik ng kama ko na para bang sinasabing 'dito ka muna' ay para akong tangang nagshake-shake ng katawan na para bang nangingisay magising lang ang katawan ko. Nang mapagtagumpayan ko ang makawala sa kama ko ay nagdiretso na ako sa aking banyo para simulan ang morning rituals ko ng walang ano ano'y...
"Ahhhh! Bwiset kang lalaki ka!!!" Sigaw ko habang sabunot ng kaliwang kamay ko ang buhok ko. At dahil doon ay nasaktan ko 'yong gilagid ko habang nagto-toothbrush.
Pagkatapos magtoothbrush ay umupo muna ako sa trono at saka tuluyan ng linisin ang buo kong katawan. Habang nagsha-shampoo ay hindi ko maiwasang kausapin ang sarili ko na nakaharap sa salamin. Wag kayong ano dahil ganyan ako XD
"Hayy bakit ang ganda mo Andrea"
"Hmmmmmm lalalalala~~"
"Eeeek. Nakakainis! Nasasaktan ako para kay Kou :( pero gusto ko rin si Touma hehehehe"
"Ang tagal naman ng season 3 ng tokyo ghoul :( forever abangers! Pati na rin yong Attack on titan!"
Nanlumo ako bigla dahil matagal ko na talagang hinihintay ang susunod na season ng mga favorite anime series ko. Eto nalang kasi ang nagsisilbing dahilan para kiligin ak- 'sus nandyan naman si Matthew para pakiligin ka'WTF!
Kusa akong natigilan sa isiping iyon. Para bang may bumulong saakin at kinilabutan ako sa naisip kong iyon! Ha!
"Anong pakiligin?! Baka bwisitin pwede pa!"
"Gahh! Umagang umaga lilitaw litaw sa isip ko. Psh. Baka malasin pa ako. Bwiset talaga yang lalaking yan"
"Huh! At anong sabi niya kahapon na tatalunin niya ako?! Haha nagpapatawa ba siya" Binilisan ko nang banlawan ang sarili ko kasabay non ay ang pag-alis ng mga masasamang ala-ala ko sa lalaking 'yon. Hindi ko rin maiwasan na pakiramdaman ang sarili ko. Nagiging OA na ako pagdating sa lalaking 'yon. Ewan ko ba! Naiinis ako sa ngiti niya dahil kung ano-anong nararamdaman ko pag nakikita ko 'yon. Bwiset! Naiinis din ako sa ngisi niya dahil masyadong nakakaloko. Basta naiinis ako sa lalaking yon at lalampasuhin ko siya mamaya. Makikita niya.
Matapos maligo ay inihanda ko muna ang mga gamit ko. Naka P.E uniform ako ngayon para sa opening remarks. Lahat kami ay magP-P.E uniform at magpapalit lamang kapag mag-uumpisa na ang mga laro. Iba't iba ang kulay ng uniform ng bawat section pero 1st year to 4th year na 'yon. Halimbawa kapag ang kulay ng 1st section sa 1st year to 4th year ay blue eto ang kanilang color code. Dahil nga nasa first section ako, kulay blue mamaya ang uniform ko. Matapos kong masiguro na ayos lahat ng dadalhin ko ay bumaba na ako para magbreakfast. Nandoon naman na agad sila Mama at Kuya.
"Naks! Parang sasali kang olympics ah! Laki naman ng bag mo." Bungad ng gwapo kong kuya habang nanonood.
"Hindi lang naman mga gamit ko ang nandito no!" Nahdiretso na ako sa kusina at naabutan ko si mama na nagpe-prepare ng agahan.
"Oh kain ka ng marami anak para malakas ka mamaya" ipinaghanda ako ni mama ng boiled egg, bacon, fried chicken at gatas. At dahil matakaw ako ay nakatatlong platong kanin ako sa umagang to!
"Baka makatae ka naman sa school sa sobrang dami ng kinain mo!" Maya maya'y sita ni kuya matapos kong kumain
"Ano ba Andrei! Nasa hapag ka" suway ni mama.
"Kadiri ka talaga kuya. Kumakain yung tao oh!" Turo ko kay mama at ako na nilalantakan yong manok.
"Bahala ka. Sabagay may cr naman kayo don" inirapan ko nalang siya at nagpahinga saglit saka ako nagpaalam na umalis. Pero dahil walang pasok sila kuya at manonood daw siya ay isinakay na niya ako sa kotse niya. Ang akala kong tahimik na byahe ay napalitan ng mga nang-uusig na tanong.
BINABASA MO ANG
Her Perverted 'Alien' Stalker
Teen Fiction"I'll make you fall for me as many times as needed." "This may be the end for us. But you will be forever engrave in my heart."