Chapter 7

235 10 0
                                    

Andrea's PoV

"D-dragneel?" Nagtataka at nauutal kong tanong. Natatameme ako putik. Ang lapit ng mukha niya saakin, ang gwapo niya-ay hindi pangit pala siya. Oo, pangit siya. Ano nanamang kamanyakan to! Ngumisi lang siya at mas lumapit pa ang mukha niya. ABA! Itinulak ko siya pero wala eh, malakas ang alien na to.

"Ano ba! Lumayo ka nga" Patuloy ko pa rin siyang itinutulak pero mas lalo niya idinidiin ang sarili niya saakin. Waaaaa! Ano bang nangyayari sa Matthew na to! Sumobra na ata ang kamanyakan niya.

"If you keep on pushing me away, mahahalikan kita" Nakangisi niyang sabi kaya naman napahinto ako sa pagtulak sakanya at tinakpan ang labi ko. Ayoko ngang mapunta sakanya ang first kiss ko.

"Ano bang kailangan mo at bakit mo ko kinorner ng ganito? Manyak ka talaga!" Sabi ko habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig ko.

"May gusto lang akong sabihin sayo"

"Aba'y! May sasabihin kalang, ganito pa kalapit? Ginagago mo ba ako?" Pinandilatan ko siya ng mata pero nasindak ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napatakip ulit ako sa bibig ko..

"Kelan ka pa natutong mag-mura?" Minumura kita minu-minuto sa isip ko, pakyu ka!

"Ano bang paki mo!"

"Tsk. Tsk. Anyway, sasabihin ko lang sayo na--"

"Andrea!"

*Boogsh*

O____O

"Waaaaa!"

"Awshiiit" Nakapatong I mean, nadaganan ko si Alien! Paano kasi, may biglang bumukas ng pinto ayan tuloy, sa sobrang lakas ng pagbukas ng pinto natulak ako at nadaganan ko si Alien.. Tinignan ko si Matthew at nakapikit siya habang nadistort yung mukha niya at nakahawak sa ulo niya. Waaaaa. Baga nabagok na ulo niya.

"Andrea!" Napatayo ako bigla ng may tumawag sa pangalan ko.

"Lorenz" Tawag ko rin sa pangalan niya

"Anong ginagawa niyo?" Tanong niya. Waaaa.

"Uy! Hindi ganun yung iniisip mo. A-no kasi ano, Waaaa. Dalin natin siya sa clinic!" Nagpapanic kong sabi. Hala, baka nabagok nga ang ulo niya.

"Ano?! Anong nangyari kasi!" Natatarantang tanong din ni Lorenz

"Basta! Dalhin na natin siya doon."

"Osige. Sige" At binuhat na namin siya sa clinic. Halaaaa! Nawalan na ng malay si Alien. Alaaaaa. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala lalo na't nawalan pa siya ng malay. Baka kasi mamatay tong lalaking to! Magpapakasal pa siya sa lalaki eh. Waaaa! Ano ba tong iniisip ko. Grabe kasi, may konting dugo akong nakita sa ulo niya eh. Nasa clinic na kami at sinalubong kami ng school nurse.

"Anong nangyari?" Tanong niya

"Nabagok po kasi siya sa sahig. Na-out of balance po kaya po siya bumagsak." Paliwanag ko. Inihiga na namin siya sa isa sa mga bed doon at kumuha na ng kung ano ang nurse.

"Maupo muna tayo doon Andrea. Hintayin nalang natin yung nurse." Iginaya ako ni Lorenz sa mga upuan doon sa labas ng mga kurtina kung saan nakapaloob ang mga bed dito sa clinic.

"Uy. Ano ba kasing nangyari?" Ikwenento ko naman yung nangyari simula doon sa kinorner ako ni Matthew hanggang doon sa pagbukas niya ng pinto.

"Hala kasi ikaw Lorenz! baka malala ang pagkabagsak niya. Baka kung anong mangyari sa ulo niya." Baka mas lalo siyang maging Alien

"Haha. Ano ka ba Andrea, parang naumpog lang siya eh. Hindi naman siya mamamatay" Hinampas ko siya

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon