Chapter 8

231 9 0
                                    

Andrea's PoV

Nagulat ako ng bigla siyang naupo at tumingin saakin ng diretso sa aking mga mata.

"How long are you going to be numb, Andrea?" Punong puno ng emosyon ang kanyang mga mata. Kinabahan ako yung tipong naninikip yung dibdib ko tapos hindi ako masyadong makahinga. Ang bilis bilis din ng tibok ng puso ko na lalong nagpabigat ng nararamdaman ko.

"Matthew" Iyon lang ang tangi kong nasabi dahil hindi ko alam kung saan ako huhugot ng sasabihin. Ano ba ang dapat kong sabihin? Nakatingin pa rin kami sa isa't isa at kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Ngumiti siya saakin. A bitter one.

"Pakiulit nga." Nakangiti pa rin niyang sabi

"Ha?"

"Sabihin mo nga ulit yung pangalan ko?"

"B-bakit?" Damn. I'm stammering.

"Ngayon mo lang ata ako tinawag sa matino kong pangalan eh."

"Uy hindi ah."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Tinatawag din kaya kitang Matthew."

"Sabi mo eh. Pero pakiulit nga?"

"M-matthew" Nauutal kong sabi. Ano ba yan!

"Ano ulit?"

"M-matthew"

"Ha? Ano ulit. Hindi ko maintindihan!" Damn.

"Bwesit. Matthew! Matthew! Matthew! Ano masaya kana?" Ngumisi nanaman siya. Siraulo talaga.

"Hindi"

"Anong hindi?"

"Hindi ako masaya!"

"Bakit nanaman! Sinabi ko na nga yung pangalan mo eh"

"Hindi yun eh"

"Tsk. Ang dami ko namang kasalanan sayo. Oh, ano nanaman. Bakit hindi ka masaya?"

"Because you just wouldn't get it" Nawala ang pagkairitang naipinta sa mukha ko. Nakatitig ako sa mga mata niya at nandoon pa rin yung lungkot.

"Wouldn't get what?" Napayuko siya. Huminga ng malalim at humarap saakin ng nakangisi.. Seriously, anong meron sa lalaking to at nagswiswitch siya ata ng ibang katauhan. Alien nga siya. Hindi niya ako sinagot instead..

"Anyway, itutuloy ko na ang sinasabi ko sayo kanina" Nakangisi siya saakin at hindi ko namamalayan na nakahawak pa rin siya sa kamay ko kaya naman bigla niyang hinawakan ang isa ko pang kamay dahilan para hindi na ako maka-alis sa pagkaka-upo ko. Shutanginers, ang lapit nanaman ng mukha nitong pervert na to. Kailangan ba pag may sasabihin ganito kalapit? Ayoko namang magpumiglas dahil maling galaw ko lang ay madudumihan ang labi ko. Oo dumi, as in malalagyan ng germs!

"Oh, bakit namumula ka? Kinikilig kaba?" nakangisi niyang tanong

"Hindi. Mainit lang. Tsaka asa ka. Kamanyakan tong ginagawa mo. Alis na nga" I tried to pull my hand pero wala eh.

"Hindi ito kamanyakan. Closeness to" Ibang klase rin ang closeness nitong lalaking to no?! Kakaiba. Kung sabagay, anong aasahan ko sa alien na to.

"Ano ba kasing sasabihin mo!" irita kong sabi

"Ang sasabihin ko lang naman sayo ay--"

"Hayy. Kayong mga bata kayo. Oh oh. Ang babata niyo pa para sa mga ganyang bagay. Hala sige. Magsi-uwi na kayo. Huwag niyo na ito uulitin ha."

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon