Chapter 30

110 1 3
                                    

Andrea's PoV

Halos magwala na ang lahat ng mga babaeng narito sa loob ng gym nang kumindat si Matthew matapos ang makalaglag panga niyang ngisi kanina. He's so damn cool. Napalunok ako ng hindi niya alisin ang paningin saakin.

Asdfghjk!! Matutunaw na ako sa mga tingin niya T.T

Matapos nilang rumampa lahat ay humilera sila sa stage kasama ang kaniya-kaniya nilang partner maliban kay Matthew na mag-isa. Kanya kanyang pose ang bawat isa.

"And now, let us introduce our candidates one by one. Come on down candidate number 1." Rumampa ito at talaga namang todo cheer ang mga manonood.

"Good Afternoon everyone. My name is Monique Lockser. 17. From class 4-B!" Bigay na bigay nitong sabi. Ang masasabi ko lang ay maganda siya. Kaya siguro close sila ni Matthew. Napabuntong hininga ako sa aking naisip. Tinignan ko naman siya at hindi ko inaasahan na ngingitian niya ako. Dahil sa pagkagulat ay hindi ko siya nasuklian ng ngiti bagkos ay napairap ako sa hindi malamang dahilan. Waaaaaaaa! Stupid!

Nagbaba ako ng tingin at nakinig nalang sa mga sumunod pang contestant.

"Candidate number 4" at hindi na magkamayaw ang mga manonood ng lumabas na ang isa sa mga class president ng Fiore Academy.

"Nathan Fullbuster. 18. From class 4-B" Malamig man ang pagpapakilala nito ay sing init naman ng apoy ang di na mapigilang hiyawan ng mga babae sa loob ng gym. Nakakaloka naman kasi. Kahit ganon ay sobrang gwapo niya pa rin.

"Magpakilala kana candidate number 5"

"Isang magandang maganda ako ngayong hapon na ito. Ang pangalan ay Joyce McGarden nagmula sa seksyon ng 4-C!!!" natawa naman ako sa pagpapakilala niya. Grabe talaga 'tong babaeng 'to.

"Ikaw na ang susunod, candidate number 8"

"Kyaaaaaaa! Ang gwapo mo Lokiiiiii!"

"Loki mylabs! Akin ka nalang" Samut saring pagnanasa ay este pagpapahayag ng damdamin para kay Loki ang namutawi sa paligid. OO! KASAMA SI LOKI AT OO SOBRANG GWAPO NIYA NGAYON! KABOG ANG ABS! MYGAHD.

Hindi ko alam kung pasikat ba ang mga lalaki ngunit halos lahat sila ay nakabalandra ang abs sa madla.

"Shhhh." Pagpapatahimik kunwari ni Loki sa crowd. Piling neto ah.

"Loki is the name. 18. From class 4-C. Take care of your heart coz I might take it away from you." sabay kindat na siyang nakapagpatili sa lahat.

Ang ibang mga kandidata ay nagmula pa sa iba't ibang section at halos lahat ay mga senior. Walang sumaling first year hanggang junior. Bakit? Dahil sabi nila 'pagbigyan ang mga tanders.' 

Nagpatuloy pa ang pagpapakilala ng iba.

"Candidate number 9"

"Aries Starlight. 17. From class 4-D" pagpapakilala ng napakacute na babae. Ang ganda niya pero lamang ang kacutan niya.

"Waaaa kawaii"

"Aries kooooo" Sigawan ng mga lalaki at babae.

"Candidate number 10"

"Hey beautiful ladies of Fiore Academy. I am Zach Fernandes. 17. From the home of the champions, Class 4-C." tili doon, tili dito. Nakakabingi ngunit mararamdaman ang saya ng bawat isa.

"You're next, candidate number 13"

"I am Zariah Scarlett. 17. From class 4-C."

"Woooo! Ang ganda mo Zariah ko" biglang gatong ni Zach. Bwahahaha. Inirapan lang siya nito.

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon