Chapter 19

136 4 1
                                    

Andrea PoV

IKALAWANG ARAW ng festival. Maaga akong nagising para ihanda ang mga gamit ko at tsaka ng sarili. Ayaw kong isipin na masama ang pakiramdam ko dahil medyo masakit ang ulo ko. Hindi rin maganda ang pakiramdam ko pero pilit kong inalis sa isip ko 'yon. Kinundisyon ko nalang muna ang sarili ko bago kumain total ay maaga pa. Nag-jogging ako pagkatapos ay nag-stretching. Pakiramdam ko naman ay na-refresh ang katawan ko mula sa pagod na naramdaman ko kahapon matapos ko mag-stretching. Hooooo! Malakas na pagbuga ko ng hangin. Pagkatapos ay pumasok na ako ng bahay at naabutan ko si mama na nagluluto na ng agahan.

"Oh ang aga mo naman anak. Dapat ay natulog ka pa ng mas mahaba para mabawi mo 'yong pagod mo kahapon"

"Ma, mas okay 'tong nage-exercise ako para masanay na 'yong katawan ko sa sakit. Mas makakatagal ako sa laro 'non" Umupo muna ako sa isa sa mga upuan sa dining table habang pinapanood si mama na magluto.

"Baka naman mapagod mo ng husto 'yang katawan mo."

"Hindi ma. Strong kaya 'to!" Sabay pakita ko ng muscle ko hahahaha.

"Ikaw talagang bata ka. Basta wag kang magpapatuyo ng pawis ha? Magpahinga ka rin"

"Opo ma. Siya nga pala ma, kelan ang dating ni papa?" Haay. Miss ko na si Adolfo pops. Ilang buwan ko nang hindi nakikita ang papa ko. Sana naman ay nakabili siya ng mga manga na pinapabili ko hehehehehe.

"Next month pa ang uwi ng papa mo pero babalik din siya kaagad after two months. Hindi siya magi-stay ng one year."

"Huh? Bakit two months lang? Ang tagal niya nawala tapos two months lang??! Hmmmpt  ̄ 3 ̄" Nagtatampo kunwaring sabi ko. Ipinaghanda naman na ako ni mama ng pagkain.

"That's business anak. Palaging busy. Intindihin mo nalang ang papa mo dahil para sainyo rin ang ginagawa niya. Oh eto gatas inumin mo habang mainit"

"Thanks ma" Nagsimula na akong kumain. Si mama ay umakyat sa kwarto niya para ihanda daw ang mga gamit niya. Pupunta kasi siya ngayon sa botique niya. Matapos kumain ay inakyat ko ang kwarto ni kuya para mambwiset hahaha. Pumasok ako sa kwarto niya ng dahan-dahan saka ako bumuwelo. Nang walang ano-ano'y patakbo akong tumalon sa kama niya kung saan ay himbing na himbing siya sa pagtulog.

"Waaaah! Ano ba! Ano ba! Ang bigat mo! Alis! Alis!" Para akong asong itinataboy niya. Pero humiga lang ako sa likod niya at nagshake-shake. Bahala ka.

"Ihuhulog kita! Isa!" Hindi ko siya pinakinggan at patuloy lang ako sa paggulo sa kaniya.

"Hatid mo'ko kuya"

"Ayoko! Ang aga aga. Mag-commute ka!"

"Ayoko. Sige na kasi kuya. Hinatid mo naman ako kahapon e. Hatid mo ulit ako"

"Ayoko nga kasiiii! Alis na at istorbo ka sa pagtulog ko!" Huminto na ako dahil ayaw niya talaga. Kapag ganyan siya ay ayaw niya talaga kahit anong pilit ko. Tss. Padabog akong umalis sa kama niya at aalis na sana ng...

"Matthew pala ah" Hindi ko man kita ay nararamdaman ko naman na nakangisi siya. Awtomatiko naman akong napalingon sakanya at ngingisi-ngisi nga siyang nakatingin saakin. Tinignan ko lang siya ng masama. Paano niya nalaman? Hmmp. Bahala siya. Tinalikuran ko nalang siya at padabog na sinara ang pintuan niya. Wala akong choice kundi ang mag-commute. Pagkarating ko sa school ay medyo dumarami na ang mga tao. Naghalo ang mga estudyante at mga bisita na galing sa ibang school, mga parents at iba pa. Pumasok ako sa loob ng school at umakyat papunta sa SC office. Habang naglalakad...

"Ohh?" Turo ko sa lalaking kakalabas lang sa isang room.

"Ahehe. Good morning Pres" Nakangiting bati saakin ni Loki. Oo siya. 'Yong lalaki kahapon na nagbigay ng canned juice.

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon