Chapter 18

122 5 1
                                    

Andrei PoV

At dahil gwapo ako ay pinagtitinginan at tinitilian ako ng mga babae habang ako ay nadaan sa harapan nila. Hayy. Naaalala ko tuloy noong High School ako dito, hindi pa rin
kumukupas ang kagwapuhan ko. Napangiti nalang ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Oh?" Bungad ko sa kabilag linya matapos sagutin ang tawag nito.

"Pucha pre! Kanina pa kita hinahanap asan kana? Sabi mo nasa gym ka?!!!" Napatawa ako dahil paniguradong umuusok na ang ilong 'non sa galit. Paano kasi sa tuwing tinatanong niya kong nasaan ako ay sinasabi ko naman kung saan, pagkatapos kong sabihin kung nasaan ako tsaka ko bibirahan ng alis tapos magtatanong ulit siya kung nasaan ako tas sasabihin ko naman at aalis ulit. BWAHAHA.

"Hahaha. Hanapin mo'ko" Pang-aasar ko.

"Ulol! Dyan ka lang!" Bigla niyang sigaw. Nagtaka naman ako dahil narinig kong nag-echo ang boses niya. Damn. Nakita na niya ako, Hahaha. Bigla akong tumakbo at parang tangang tumatawa habang tumatakbo.

"HOY!!! Sabing dyan ka lang!" Hindi ko siya sinagot at patuloy na tumatawa habang tumatakbo. Hindi nagtagal ay naabutan niya ako at hinila ang damit ko. Mapupuniiiit!

"Bitawan mo nga 'yong damit ko! Mapupunit e!" Hinihingal kong sabi.

"G*go! Ikaw 'tong pinagti-tripan ako at nagpahabol!"

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!"

"Baka alma mater ko'to?"

"Manchi-chicks ka lang naman dito Ivan pangit!" Pang-aasar ko.

"Anong pangit??! Nakikita mo ba 'yong mga babaeng 'yon? Kanina pa nila ako sinusundan at tinitilian. Tsk tsk. Hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan ko" Iiling-iling niyang sabi. Napatawa nalang ako. Vain.

"Same old, Dragneel. Same old." Nakangisi kong sabi. Siya si Ivan Dragneel, ang bestfriend ko simula noong High School kami. Partners in crime, parehong gwapo, at pareho ulit na gwapo. Halos magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Ang pinakamatinding tampuhan lang namin ay 'yong mga panahong nabasted siya ng babae na naging girlfriend ko, HAHAHA. Pero ngayon ay no more hard feelings dahil pareho na kaming gwapong single ngayon. Habang kumakain kami sa nadaanang stall...

"Anong ginagawa mo pala dito? Noong nakaraan kasi ay hindi ka pumunta dito?" Tanong ko habang kumakain ng fries.

"Hahaha. Nakakagulat kasi 'yong kapatid ko. Akalain mo, 'yong taong walang interes sa mga bagay-bagay na ganito e sumali. At ito pa ang nakapagpanindig ng balahibo ko. 'Nong tinanong ko kong bakit, binigyan niya lang ako ng kakaibang ngiti." Iiling iling habang nakangiting kwento niya.

"Baka naman kasi inspired" Sabi ko. Sa totoo lang, sa tagal naming magkaibigan ay hindi ko pa nakikilala ang kapatid niya lol Madalas kasi ay sa bahay siya tumatambay at kilala niya si Andrea. Pero hindi naman sila gaanong close dahil nga kapag bumibisita siya ay diretso kami sa kwarto ko para maglaro magdamag at kumain. Madalang lang silang nag-uusap at nakikipag-kwetuhan.

"Baka, hahahaha. Kaya nga ako nandito ay para panoorin siya at para na rin makita ko kung meron man siyang nililigawan o ano"

"Tss. Sabi mo nga masyadong malihim yang kapatid mo kaya imposibleng hahayaan ka niyang malaman. Ang lakas mo pa namang mang-asar, hahaha"

"Hahaha. Walang sikretong hindi nabubunyag sa akin. Nga pala, kamusta si Andrea?"

"All out kung all out. Sasalihan daw niya lahat ng sports, HAHAHA. Defending champion kasi sila at huling taon niya na rin 'to"

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon