Chapter 27

81 2 1
                                    

Loki PoV

Wala ng mas aantok pa sa panghapong klase ko sa Math. Palihim akong humikab habang nagtuturo sa harap ang aming guro. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit kahit ganito ako ay magaling ako sa Math. Sadyang nakaka-antok lang dahil sa oras. Ewan ko ba at inaantok ako pag sapit ng hapon. Naramdaman kong pabagsak na ang mga mata ko dahil sa sobrang antok nang bigla akong kalbitin ni Joyce. Magkatabi lang kami ng upuan.

"Bakit?" Inaantok ko pang sabi. Parang naiilang pa siya at nag-iwas ng tingin saakin. Itinuro nalang niya ang instructor sa harap na parang sinasabing baka makita ako nito. Napangiti naman ako. Ang cute talaga nito. Hindi naman kami masyadong close. Bihira lang kami magkausap kahit na seatmate ko pa siya at pwede ko siyang daldalan.

"Joyce. Joyce. Patawag naman si Loki" Rinig kong bulong ni Lorenz. Si Redfox na kumpare ko dito sa classroom haha. Seatmate niya rin si Joyce, parang pinagitnaan namin siya ni Lorenz.

Napansin ko si Joyce na parang slow motion pang humarap saakin at nakita ko ang mapula-pula niyang pisngi. Tumingin siya saakin at uutal utal pang magsalita ay bumulong pala.

"Tawag ka ni L-lorenz" at bigla siyang nagbaba ng tingin. Hala anong nangyayari sakanya? Dumungaw ako kaunti sa kinauupuan ko upang makita si Lorenz. Nakayuko kaming pareho para makita ang isa't isa dahil nga nasa gitna namin si Joyce.

"Bakit?" I mouthed para hindi kami marinig.

"Basketball tayo mamayang uwian. Practice tayo" bulong niya rin.

"Hindi ko alam kung makakapunta ako mamaya. May pupuntahan ako" bulong ko ulit. Ngumuso naman ito. Parang bading. Isa pa 'to.

"Sabi mo kanina sasama ka tapos ngayon may pupuntahan ka agad" bulong ulit niya sa naiiritang tono.

"Eh may pupuntahan nga ako mamaya" medyo napalakas ang bulong ko pero alam kong di yan rinig ni Ma'am. Nakita ko naman ang pagbabago sa ekspresyon ni Lorenz mula sa pagkairita niya ng marinig ang sagot kong iyon. Napapalunok pa ito. Para namang timang 'to.

"Saan ka ba kasi pupunta Mr. Lionheart?" Nanindig ang balahibo ko ng marinig iyon sa tabi lang ng tenga ko. Muntik na akong mapatalon nang pagharap ko ay nakita ko si Ms. Milkovich na nakataas na ang kilay niyang kilay goals na mas mataas pa sa statue of liberty.

"Ma'am. Hehe. Ang ganda niyo" pambobola ko. Aish stupid Loki.

"Huwag mo akong daanin sa paganyan-ganyan mo Mr. Loki. Stand up and answer the following on the board." Mataray niyang sabi. Wala na akong nagawa kundi abg tumayo at isolve ang pinapasolve ni Ma'am sa board. Narinig ko namang tumawa si Loki. Tinignan ko siya ng masama. Naudlot ang sanang kasiyahan niya nang tawagin din siya ni Ma'am at pagsolbin sa board. Hahahahahahahha. Tawa ko sa kaloobloban ko mga 100 times dahil sa nanlulumo niyang mukha. Nang makarating siya sa board ay nginisian ko siya. Inambaan niya lang ako ng suntok at nagsolve na nang marinig namin ang pag tiktik ng stick na hawak ni ma'am sa isang mesa. Nauna akong natapos at sumunod narin siya. Kita ko naman na ang ngiti ni ma'am. Tsk tsk :3

"Very good. Dapat kayo ay parang sina Mr. Lionheart at Mr. Redfox. Kahit dumaldal kayo dyan basta't may naisasagot kayo ay masaya na ako. Ngunit wag niyong sanayin ang makipag-usap sa katabi niyo lalo na kung nagdidiscuss ako, maliwanag?" Pangangaral pa ni Ma'am. Nasipag'yes ma'am' naman ang lahat at saka nagtuloy kami sa discussan. Tumingin nalang ako sa labas dahil malapit naman na ang dismissal. Sandaling naistorbo ang lahat at nabaling sa labas ang kanilang atensyon ng biglang may tumakbong estudyante. Maingay ang sapatos nito na lumikha ng tunog habang mabilis itong tumakbo. Nagpatuloy na ang lahat sa pakikinig ngunit ako ay hindi ko na maalis sa labas ang aking tingin.

Her Perverted 'Alien' StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon