46th Scene
Kasalukuyang kumakain ang Prinsessa at Brent sa loob ng tahanan ng diwatang si Pinkish nang may ibalita ang isang maliit na diwata.
"Masamang balita, Pinkish! Nasakop na ni Reyna Livarca ang buong kahariang Aquazenaika at ang mga nilalang na naroon ay napasailalim na rin sa itim nitong kapangyarihan. Ayon sa aking nakalap ay pinapahanap na rin nito ang mga batong simbolo."
Nagimbal si Prinsessa Shally sa nalaman kaya iniwan niya ang hapag at hinarap ang diwata. "Napaano ang mahal na Hari at Reyna?"
"Ikinalulungkot ko mahal na prinsessa, pero ang butihing Reyna at Hari ay bihag sa palasyo."
"Kailangan ko nang kumilos para sa kalayaan ng buong Aquazenaika. Hindi ako maaaring mag-aksaya ng panahon. Kailangan kong unahan si Reyna Livarca bago pa mapasakamay niya ang mga batong simbolo," puno ng pag-aalalang wika ng prinsessa.
Matapos makapagpalit ng damit ay buong pagsuyong niyakap ng prinsessa ang kanyang ninang. "Maraming salamat, ninang."
"Tanggapin mo ito bilang isang proteksiyon." Isinuot ni Pinkish sa Prinsessa ang isang kwentas. "Mag-iingat ka sa iyong pakikipagsapalaran." Muli ay nagyakap ang mag-ninang. Nang kumalas sa pagkakayakap ay agad na tinapunan ng tingin ni Pinkish si Brent na tahimik lang sa isang tabi. "Ingatan mo ang Prinsessa."
"Iingatan ko siya sa abot ng aking makakaya," madiing pangako nito.
Nagpaalam na may ngiti sa labi ang dalawa, gayundin naman ang diwatang si Pinkish.
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantasyAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...