47th Scene
Itinuro ni Aflicasus ang daan patungo sa banal na tarangkahan na nagsisilbing lugar kung saan nila matatagpuan ang mga batong simbolo. Agad nilang narating ang nasabing tarangkahan ngunit sinalubong sila ng mga itim na halimaw. Nakakatakot ang mga hitsura ng mga ito, matatalas na kuko, may dalawang sungay at ma-muscle na mga kamay pero nakipagsabayan sila ng bangis. Lahat nang humaharang sa daraanan nila ay natatalo nila ngunit tila hindi nababawasan ang mga halimaw sa halip ay parami pa ito nang parami hanggang sa palibutan na ng mga ito ang tarangkahan.
"Anong gagawin natin?" aburidong tanong ni Cheska.
"Sa tingin ko sila ang tagapagbantay ng tarangkahan," hinuha ni Franji.
"Eh ano naman? Kaya naman natin silang talunin," maangas na turan naman ni Trigger.
"Hindi mo ba pansin? Sa rami ng napatay natin kanina marami pa ring naglilitawan!" pagtataray ni Cheska kay Trigger.
"Ang tanong, saan kaya sila nanggagaling?" singit ni Franji.
"Ang tanong, ba't ang duduwag n'yo," ngingisi-ngising ani Trigger habang nagpapalabas ng apoy sa mula sa dalawang palad nito. Binigyan nila ito ng daan upang magawa nito ang balak na ubusin ang mga halimaw sa isang tirahan ng naglalagablab na apoy. Matapos magpalabas ng matindi at nakakatupok na apoy mula sa kanyang kamay ay agad 'yong pinawalan ni Trigger patungo sa mga halimaw. Isa-isang natupok ang mga iyon, walang bakas ni anino.
"Kita n'yo? Wala kasi kayong bilib sa'kin eh." Umiral na naman ang kayabangan nito.
Hindi na lang umimik ang dalawa. Sabay-sabay nilang nilapitan ang tarangkahan na ngayon ay malaya na nilang mabubuksan sapagkat wala nang lumilitaw na mga kalabang halimaw.
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantasyAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...