18th Scene-Ang Paghahasik ng Kasamaan ni Reyna Livarca

73 4 0
                                    

18th Scene

Samantala, nagsimula nang maghasik ng lagim ang mag-inang si Reyna Livarca at anak nitong si Licca. Dahil nakakalabas masok ang mag-ina sa palasyo ay madali nilang napasailalim ang lahat ng mga alagad at naninilbihan sa Hari at Reyna.

"Ano'ng ibig sabihin nito Livarca?" matapang na tanong ng Hari. Sa halip na sumagot ay humalakhak ito ng todo.

"Akala mo kung sino kang magaling. Ano kaya kung bawiin ko ang buhay na idinugtong ko sa'yo. Wahahahahaaha."

"Huwag kapatid ko!" pigil ng Reyna.

"Kapatid?!" pang-uuyam na tanong ni "Napulot ka lang kaya wag na wag mo kong matatawag na kapatid! Sa akin ang dapat lahat ng meron ka. Babawiin ko lang ang dapat akin! Kukunin ko ang Aquazenaika. Ipararanas ko lahat sa 'yo ang ang sakit na dinulot mo sa aming mag-ina!"

Maya-maya'y nagsimulang manghina ang ang Hari.

"Angelo!" akay ng Reyna sa mahal niyang Hari. "Walanghiya ka! Napakabuti namin sa inyong mag-ina tapos ganito lang ang igaganti mo." Tumapang na arin ang anyo ng Reyna.

Ginamit ni Reyna Livarca ang itim na mahikang nagmumula sa dalawang kamay nito.

"Ibenenta mo ang sarili mo sa kampon ng kadiliman!" Bulalas ng Reyna.

"Matagal ko nang ginawa iyon mula nang agawin mo sa'kin si Angelo at ang buong Aquazenaika. At alam mo bang ang Hari ng kadiliman ang ama ng anak ko?!" Pagsisiwalat nito sa katotohanan. Bagamat humahalakhak ito ay tumutulo naman ang mga luha sa pisngi nito. Nahabag naman si Reyna Sharlimae. "Kaya dapat lang na magbayad kayo! Nasingil ko na ang anak mo ngayon kayo naman!" Muli itong humalakhak ng napakalakas.

"Anong ginawa mo sa prinsessa?"

"Wala na siya! Wahahahahahahahaahahahahaha..."

Kinagimbal iyon ng Reyna at Hari.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon