8th Scene-Ang Pamilya ni Franji

101 6 0
                                    

8th Scene

Pagpasok na pagpasok niya sa apartment na tinutuluyan ay bumungad sa kanya ang ina na nakaupo sa mahabang couch katabi ang bunsong kapatid na si Kelly habang ang isa pang kapatid na babae na si Kate ay nakaupo sa sahig hawak ang alaga nitong pusa habang nanonood ng TV.

"Ma, anong nagdala sa inyo rito?"

"Iiwan ko pansamantala ang mga kapatid mo sa pangangalaga mo. Ayaw na nila sa poder ko dahil hindi ko naman daw sila naaasikaso."

"Lalo namang di ko sila maaasikaso dito."

"Anak, alam ko naman na kapag kapatid mo ang pag-uusapan hindi mo ko mahihindian. Kaysa naman ibigay ko sila sa Daddy mo na abalang-abala sa negosyo natin."

"Ma tumigil na lang kasi kayo sa trabaho ninyo."

"Iyan ang hindi puwede." Nakapamaywang pa itong tumayo. "O sige. Aalis na ako. Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo." Bumaling ito sa mga anak at parehon ginawaran ng halik sa pisngi ang mga ito. "Huwag matigas ang ulo ninyo sa Kuya ninyo ha. Ikaw Kate huwag mong poproblemahin ang Kuya mo huwag mong aawayin."

"Yes Mom." Tugon ng kapatid na si Kate.

Iyon lang at umalis na ito. Naiwang tulala si Franji. Problema para sa kanya ang kapatid pero kailangan niyang magtiis. Isa pa, tama ang ina pagdating sa mga ito ay hindi siya makakahindi dahil mahal niya ang mga kapatid.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon