31st Scene-Nagngangalit na Reyna Livarca

53 4 0
                                    

TINAMAD CGURO AKO MAGKULAY NUNG TIME NA TO XDD

___________________________________________

31st  Scene

Samantala sa kahariang Aquazenaika ay inis na inis at parang sasabog sa galit si Reyna Livarca. “Bakit hindi ang prinsessa ang dala mo sa halip nagdala ka ng dalawang bubwit!”

“Mahal na Reyna Livarca hindi ko nakita roon ang Prinsessa kaya naisip kong dalhin ang dalawang ‘yan baka sakaling magpakita at lumitaw ang Prinsessa. Isa pa, mga kapatid ito ng lalaking may hawak sa Prinsessa. Siguradong hindi titigil  ang lalaking iyon hangga’t hindi nito nababawi ang mga kapatid dahil ang mga tao ay likas na mapagmahal sa mga kadugo nila.”

“Eh tanga ka pala. Paano naman iisipin ng lalaking iyon na ang dahilan ng pagkawala ng kanyang mga kapatid ay ang Prinsessa!”

“Siyempre sinabi  ko sa kanya ang pakay ko.”

“Magaling! Makakaalis ka na.”

Nang umalis ang alagad ay binalingan ng Reyna ang dalaawang bihag.

“Pakawalan ninyo po kami. Wala pong alam ang Kuya ko sa mga pinagsasabi ninyo.” Nagmamakaawang ani Kate habang nakasalampak sa sahig. Nakayakap naman sa kanya si Kelly na panay ang iyak.

Nasampal ng Reyna si Kate. “Tanga ka ba?! Kukunin ka ba kung walang kinalaman dito ang Kuya mo? Mga tao nga naman mga walang kwentang nilalang.” Nagtawag ito ng iba pang mga alagad. “Sige. Dahin ninyo yan kung saan sila nararapat.” Nagpakawala ito ng malademonyitang halakhak.

Parehong umiiyak ang magkapatid na Kate at Kelly habang buhat-buhat sila ng tauhan ng masamang Reyna.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon