35th Scene
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang makababa sila sa sagradong hagdanang iyon na sobrang napakataas na hindi nila akalaing magagawa nilang tahakin. Kung nasa normal na mundo ng mga tao sila malamang ay kinapos na sila ng lakas ngunit nakapagtatakang ni hindi man lang nila naramdaman ang pagod. Hindi nila lubos maisip na ang hagdanan ay nasa loob ng isang lumang hardin. Naglakad-lakad sila palayo hanggang sa tuluyan nang gumabi. Nagpahinga ang tatlo sa ilalim ng mga punongkahoy na naroon. Naghanap sila ng kahoy para panggatong upang gumawa ng apoy na siyang magisilbing liwanag sa madilim na paligid. Mabuti na lang at may dalang lighter itong si Trigger kaya naisakatuparan ito.
"Ang dami namang lamok!" reklamo ni Cheska.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko, dapat hindi ka na sumama eh." Komento ni Trigger na kinainis ni Cheska.
"Ang yabang mo! Bakit sa tingin mo karapat-dapat kang isama rito?!" inis na bulyaw ni Cheska.
"Siyempre! Importante ako dahil tiyak na mapapakinabangan ako pagdating sa labanan. Sigurado akong magiging pabigat ka lang 'pag may mga labanan."
"Kaya pala isang sipa lang ng kidnapper ng prinsessa tilapon ka agad sa dingding. Mistulang butiking naipit sa pader! Hmp!"
"Siyempre ginamitan ako ng mahika. Kung mano-mano lang ang labanan siguradong talo ko iyon noh!"
"Mayabang!" Ismid ni Cheska.
"Tigilan ninyo na nga 'yan. Magkakakampi tayo 'wag kayong magbangayan." Sita ni Franji. Tumungo ito sa isang puno at naupo, nakasandig ang likuran sa katawan ng puno habang nakataas ang kanang tuhod at nakapatong roon ang kanang kamay. "Matutulog na ako. Ayoko na may marinig na ingay mula sa inyo kung hindi..." Pagbabanta pa nito.
"Oh ba't tumatabi ka sa'kin?" Puna ni Trigger nang mapansing lumapit sa pwesto niya si Cheska.
"N-Natatakot kasi akong mag-isa..."
"Ba't di ka doon kay Franji?"
"Mainit ulo eh."
"Aaway-awayin ako tapos...Tsk." Iyon na lang ang nasabi ni Trigger. Hinayaan niyang tumabi ito sa kanya. Maya-maya lang ay nahihimbing na silang natutulog.
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantastikAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...