2nd Scene-Ang Pagsilang sa Prinsesa

202 8 5
  • Dedicated kay Mae Cacal
                                    

2nd scene

Tama ang nasa hula. Isang malusog at napakagandang sanggol na babae ang isinilang ng Reyna. Kinaumagahan ay naganap ang magarbong handaan at pagdiriwang sa buong kaharian. Ito rin ang nagsilbing binyag ng sanggol kaya ipinatawag ang lahat ng diwata na nagsilbing ninang nga sanggol na tinawag sa pangalang Sharmaine Angelie na nagmula sa pangalan ng Hari at Reyna. Isa-isang pinagpala ng mga diwata ang nasabing sanggol na Prinsessa pagkatapos ay binuhat ng Hari ang sanggol at iniangat.

"Kilalanin ninyo ang inyong Prinsessa Shally. Mahalin ninyo siya tulad ng pagmamahal ninyo sa aming mag-asawa. Balang araw ay paglilingkuran niya kayo at ililigtas ang ating mundo sa anumang panganib na paparating. Sa anak ko isasalin ang kapangyarihan upang maipagtanggol ang buong kaharian ng Aquazenaika kung kaya'y pangalagaan natin siya sa abot ng ating makakaya. Mabuhay anak kong iniibig."

Nagpalakpakan ang buong mamamayan ng Aquazenaika. Nagliparan ang mga diwatang may pakpak at ang mga diwatang walang pakpak ay nagsabog ng kanilang mga kapangyarihan bilang pagsalubong sa tinuturing na kinabukasan ng Aquazenaika.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon