4th scene
Labing pitong taon ang lumipas. Isang Reyna ang nagbabalak ng masama laban sa Prinsessa. Dahil sa sobrang inggit at sakim nitong hangarin nagtulak dito para maisipan ang masamang balak.
"Gusto ko bago maglabingwalong taon ang Prinsessa ay wala na siya sa landas ko. Naiintindihan mo ba ako, Licca?"
"Opo mama," anang munting diwata.
"Opo Mahal na Reyna ang dapat mong isagot!" galit na sabi nito.
"Opo Mahal na Reyna Livarca."
"Sige umalis ka na."
Si Reyna Livarca ay nakatatandang kapatid ni Reyna Sharlimae ngunit napopoot siya sa huli sapagkat inagaw nito ang lahat ng dapat ay para sa kanya maging ang lalakeng siya ang unang nakakita at nagmahal kaya naman ganoon na lamang ang galit niya sa anak nitong si Prinsessa Shally.
Dapat ay matagal na niyang pinagbayad ang mag-asawang Sharli at Angelo pero mas masarap maghigante kung ang supling ang kabayaran. Gusto niyang magdusa ang mag-asawa hanggang hindi nila kayanin ang pagkawala ng kaisa-isang supling na ibinigay sa kanila.
Kitang-kita sa mukha ng reyna ang galit at poot. Inilabas nito ang lahat ng sama ng loob sa pamamagitan ng paghalakhak ng napakalakas.
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantasiaAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...