32nd Scene-Pagkamuhi ni Grace sa Prinsesa

54 2 0
                                    

32nd Scene

Samantala, dinala ng tumangay kina Shally at Grace ang dalawa sa isang palasyong bungo at agad na ipinasok sa kulungan si Grace. Patulak siyang isinalya sa loob dahilan para mapasalampak siya sa sahig.

"Ano ba'ng kailangan mo sa'min ha?!" Matapang na tanong ni Grace. Bilang miyembro ng Amazing Teens ay hindi ang isang tulad niya ang basta-basta nagpapasindak.

"Sa katunayan, ang prinsessa lang ang pakay ko pero nang labanan mo 'ko hindi ko matanggap kaya narito ka ngayon isa kong bihag."

"Walanghiya ka! Kapag nalaman ito ni Franji malalagot ka! Tandaan mo 'yan!" Pasigaw na banta ni Grace.

"Sige magsisisgaw ka lang hanggang gusto mo pero wala ka nang magagawa dahil hindi ka na makakauwi sa mundo ninyo."

"Pakiusap..." Sa wakas ay umimik rin ang Prinsessa na kanina pa naiiyak dahil sa pagkakadamay ni Grace. "Pakawalan mo na siya. Ako lang naman ang pakay mo 'di ba? Ako na lang ang gawin mong bihag."

"Pasensiya ka na Prinsessa pero hindi ko mapagbibigyan ang kahilingan mo. Mahalaga ka sa akin kaya hindi ka dapat mawaglit sa paningin ko. Marami ang may gustong bumihag sa 'yo pero malas nila dahil ako ang nauna."

"Ano ba'ng kailangan mo sa'kin?"

"Simple lang pero hindi ko sasabihin sa harapan ng mahal mong kaibigan." Pakasabi niyon ay hinila nito palabas ang Prinsessa. Naiwan ang puno ng galit na si Grace.

Kasalanan mo ito Shally. 'Pag nagkaroon ako ng pagkakataong makawala rito gaganti ako sa'yo lalo na sa bwesit na lalaking iyon!

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon