36th Scene
"Saan ba tayo patungo?" usisa ni Cheska habang binabagtas nila ang kabundukan.
"Hindi ko rin alam eh. Ikaw Franji alam mo?" paling ni Trigger kay Franji.
"Nakikita ninyo ba ang bundok na iyon?" Turo ni Franji sa bundok na tanaw nila. "Aakyatin natin iyan dahil diyan nakatira ang pakay natin. Ang tawag sa bayan na pupuntahan natin ay bayan ng Kinasekarala."
"Paano mo nalaman, nakapagbakasyon ka na ba doon?" Manghang tanong ni Trigger.
"Puro ka biro Trigger magseryoso ka nga!" sita ni Franji.
Napakamot tuloy sa ulo si Trigger. Hindi naman talaga ito nagbibiro.
"Teka. Paano mo nalaman ang mga impormasyon na iyan?" usisa ni Cheska.
"Pumasok sa panaginip ko si Aflicasus at binigay niya ang mga impormasyon na iyan."
Naunawaan naman agad ng dalawa kaya agad nilang tinahak ang daan patungo sa bundok.
"Parang ito iyong zigzag road sa Baguio ha paikut-ikot." Hindi mapigilang komento ni Trigger habang tinatahak na nila ang paakyat sa bundok.
"Oo nga at pagod na 'ko." Nakabusangot na ani Cheska.
"Konting tiis mga kasama. Malapit na tayo. Dalawang ikot na lang." Pagpapalakas loob ni Franji sa mga ito.
"Magpahinga muna tayo, pwede?" mungkahi ni Cheska. Halatang pagod na nga ito.
"Hindi pwede. Ayon kay Aflicasus masamang maabutan ng dilim sa lugar na ito kaya bawal tumigil."
"Pagbabayaran ninyo 'to!" Mangiyak-ngiyak na ani Cheska. "Wala ba silang transportation dito?! Kainis!"
"Sumama-sama ka pa kasi. Tsk." Si Trigger iyon.
"Magtatalo na naman ba kayo?" Seryosong ani Franji.
"Kasi siya!" sisi ni Cheska.
"Ano'ng ako. Ikaw itong reklamo ng reklamo. Reklamadora."
"Ewan ko sa inyo." Napapailing na pinagpatuloy ni Franji ang paglalakad. Rinig niyang nagbabangayan pa rin ang dalawa. Napabuntong-hininga na lang siya.
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantasíaAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...