49th Scene
Samantala, sa loob ng tarangkahan kung saan nilamon si Trigger ay nakaharap niya ang tagapamahala ng isang bato na simbolo ng hangin. Hindi niya maigalaw ang katawan dahil nababalot ng kapangyarihang hangin ang buo niyang katawan habang nakaangat siya sa ere.
"Pakawalan mo 'ko dito!" matapang na utos ni Trigger. "Lumaban ka ng patas. Duwag!" dugtong pa nito habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakapulupot ng hangin sa katawan niya.
"Hindi ba't matapang ka at magaling? Kung gano'n, iligtas mo ang sarili mo. Ang batong airy ang kailangan mo, 'di ba? Talunin mo 'ko." Panghahamon ng tagapangalaga ng batong simbolo ng hangin.
"Gago ka pala eh! Paano kita matatalo kung hindi ko magagamit ang kapangyarihan ko sa 'yo!" Asar na asar na turan ni Trigger.
"Iyan ang hindi ko alam. Tatlumpong minuto lang ang palugit mo para matalo ako dahil kung hindi mamamatay ang dalawang kasamahan mo sa labas ng tarangkahang ito at ikaw ay mananatili rito kapalit ko sa pagbabantay ng batong airy."
"Hindi ako papayag!" Protesta niya na pilit pa ring kumakawala sa kapangyarihan ng hanging bumabalot sa kanya pero hindi niya magawa. Anong dapat niyang gawin?
"Sumusuko ka na ba? Labinlimang minuto na lang..."
"Kaya ko toooooooooooooooo!" Ibinuhos niya ang buong lakas para magpalabas ng kapangyarihang apoy sa kaliwa niyang kamay. Kanina pa niya sinusubukang gamitin ang apoy para mabutas ang humaharang sa kanyang plano.
"Isang minuto na lang at natuod ka na diyan. Hindi na 'ko umaasang makakawala ka pa diyan kaya ito na ang pinale..." Nagpalabas ng kapangyarihang hangin sa kamay ang tagapangala ng batong simbolo ng hangin pero dahil kanina pa naglalagablab ang apoy ni Trigger at kanina pa nakaposisyon ang kamay sa target ay mas nauna siyang tumira sa mismong pinagmumulan ng kapangyarihan ng tagapangalaga, nabasag ang bracelet na pinagmumulan ng kapangyarihan nito. Kasabay ng paglaho ng kapangyarihan nito ay ang paglaho mismo ng tagapangalaga kaya nakawala mula sa pagkakagapos sa hangin si Trigger.
Dali-dali niyang nilapitan ang batong simbolo ng hangin, kulay berdeng puso at may malalaking tila pakpak sa magkabilang gilid ng hugis puso.
Nasilaw siya sa liwanag na dala ng batong simbolo...
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantasyAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...