38th Scene-Ang Layunin ng Kumidnap sa Prinsesa

48 3 0
                                    

38th Scene.

"Bakit kailangan mo ang batong Aquasofresha?" Hindi mapigilang usisain ni Prinsessa Shally ang lalakeng bumihag sa kanya. Ramdam niya kasing hindi naman ito masamang tao.

"Hindi ako masama. Gusto ko lang gumaling ang sakit ng aking ina. Malubha na siya at walang lunas ang dumapong sakit sa kanya kung kaya naisipan kong pag-interesan ang batong Aquasofresha na kilala sa pagpapagaling ng kahit anong uri ng karamdaman."

"Hindi ganoon kadaling kunin ang bato," komento ng prinsessa.

"Handa akong gawin ang lahat mapasaakin lang ang bato. Gaano man ito kahirap."

"Ayokong biguin ka pero baka bago mo pa makuha ang bato ay wala na ang iyong ina..."

Nagpanting ang tenga ng lalake sa narinig mula sa prinsessa. Tinignan niya ito ng masama. "Alam kong pakulo mo lang iyan para hindi ko ituloy ang balak ko pero walang makakapigil sa'kin, prinsessa."

"Harapin mo na ang katotohanan. Ang lahat ng nabubuhay ay may hangganan."

"Nasasabi mo lang iyan dahil isa kang diwata."

"Namamatay din ang mga diwata. Mahaba lang ang buhay namin pero 'pag sinadyang kitlin naglalaho rin."

"Hindi totoo iyan!" Galit na sigaw nito. Maya-maya ay biglang yumanig ang paligid at sa isang iglap lang ay napapalibutan na sila ng naglalagablab na apoy.

"Ano'ng nangyayari?" Tarantang tanong ng prinsessa. Lalapit na sana siya sa lalake pero namataan niyang may naglalagablab na kahoy ang papatama sa kanya. Napapikit na lamang siya at iniharang ang dalawang kamay sa kanyang sarili.

Mabilis namang kumilos ang lalake para iligtas ang prinsessa. Patakbo niyang tinungo ang kinaroroonan ng prinsessa at paakap na tinulak kasama ang kanyang sarili palayo sa lugar kung saan tatama ang naglalagablab na piraso ng kahoy. Nawalan ng malay ang prinsessa marahil sa labis na takot kaya napilitan siyang buhatin ito saka naman niya naalala ang kaibigan nitong bihag niya na nasa kulungan. Nagmadali siyang pumunta sa lugar kahit nababalutan na ng apoy ang buong paligid.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon