1st Scene-Ang Pagbubuntis ng Reyna

469 10 6
                                    

1st scene

Sa kaharian kung tawagin ay Aquazenaika ay naninirahan ang mag-asawang sina Haring Angelito at Reyna Sharlimae. Punung-puno ng pagmamahal sa isa't-isa ang nasabing mag-asawa kaya naman ang buong kaharian ay masaya at masigla. Buhat nang ikasal ang mag-asawa ay hindi pa sila nabibiyayaan ng anak ngunit patuloy pa rin silang umaasa at humihiling na darating ang araw ng magkakasupling sila. Kaila sa Reyna, ang Hari ay nag-aalinlangan kaya naman nang gabing magsolo sila sa kanilang silid ay hindi napigilan ng hari na sabihin ang niloloob.

"Baka hindi tayo magkaanak dahil iba ang mundong pinanggalingan natin. Sana'y hindi na natin ipinaglaban ang bawal nating pag-iibigan. Maligaya ka sana ngayon, Sharli."

"Huwag mong sabihin 'yan. Ni minsan ay hindi ko pinagsisihang minahal at pinaglaban kita. Wala akong pakialam kahit wala tayong anak. Masaya na tayo ngayon na magkasama. Mahal na mahal kita, Angelo." Buong pagmamahal na niyakap ng Reyna ang Hari na ginantihan naman ito ng Hari ng masuyong halik sa labi.

Minsan ang Reyna ay nagpahula sa sikat na manghuhula sa kaharian. Ang sabi ng manghuhula ay magkakaanak sila ng malusog na batang babae na isisilang sa panahon ng tagsibol. Umasa ang Reyna at hindi niya ito ipinaalam sa Hari.

Laking tuwa ng buong mamamayan ng Aquazenaika nang ihayag ng mag-asawa na nagdadalantao ang Reyna. Nagdiwang ang buong kaharian sa magandang balita. Nagpasalamat ng husto ang Reyna sa sinasamba nitong Reyna ng mga diwata na kaytagal na panahon nang nabubuhay. Ganoon din ang Hari sa sinasamba nito na kung tawagin ay Panginoon.

Tatlong buwan bago ang kapanganakan ng Reyna ay lumisan ang Hari upang makisabak sa giyera. Upang hindi masaktan ang kanyang mag-ina ay minabuti niyang makipagnegosasyon sa kaaway na kaharian na gawin ang labanan sa ibang lugar.

"Mangako kang babalik bago isilang ang ating anak."

"Oo mahal ko."

Walang araw na umiiyak ang Reyna dahil sa pag-aalala sa mahal na asawa. Habang ang Hari ay parating naiisip ang kanyang mag-ina. Matatag itong nakikipagbuno sa mga kalaban kasama ang kanyang sandatahan upang tuparin ang pangakong binitawan.

Ilang buwan rin ang tinagal ng giyera at masayang-masaya ang Hari na makita ang kanyang mag-ina. Isang madamdaming tagpo ang naganap nang magkita sila.

Masayang hinihintay ng mag-asawa ang paglabas ng kanilang anak. Araw ng tagsibol nakaupo ang mga ito sa kanilang mga trono nang biglang sumakit ang tyan ng Reyna. Agad na dinaluhan ng Hari ang asawa upang dalhin sa kanilang silid ang namimilipit sa sakit na asawa. Agad din itong nagpatawag ng magpapaanak dito.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon