41st Scene.
Pagpasok na pagpasok ay namataan agad nila sa loob ng bahay-kubo ang isang matanda. Hindi pa man sila nakakapagsalita ay alam na agad nito ang pakay nila.
"Galing kayo sa mundo ng mga tao, 'di ba?" Pambungad na bati nito.
"Paano ninyo ho nalaman?" Gulat at namamanghang tanong ni Cheska.
"Isa akong magaling na manghuhula at makapangyarihang salamangkero sa bayang ito. Sa katunayan, alam ko ang pakay ninyo."
"Ang yabang ng matandang 'to ha," bulong ni Trigger kay Franji. "Sige nga. Ano'ng pakay namin sa'yo?"
"Hinahamon mo ba ang kakayahan ko, hijo?" Nanghahamong anang matanda.
"Obvious ba." Ganting tugon ni Trigger.
"Gusto ninyong bigyan ko kayo ng mga sandata upang magamit ninyo sa mga panganib na naghihintay sa inyo sa inyong paglalakbay para makuha ang limang simbolo kung saan magdadala sa inyo sa prinsessa at batong Aquazenaika."
"Tama ho kayo, Tandang Ingkong." Si Trigger iyon. Kung inyo sanang mamarapatin nais na ho naming makuha ang mga sandata."
"Pasensiya ka na hijo pero hindi ganoon kadali ang pagkuha ng sandata. Kayo'y kailangan magdaan sa isang masusing pagsasanay upang makamit ninyo ang sandatang nakalaan para sa inyo."
"Eh wala ka naman pala'ng silbi eh." Maangas na turan ni Trigger.
"Trigger!" saway ni Franji sa kaibigan. "Pagpasensiyahan ninyo na ho ang inasal ng aking kaibigan. Nakahanda po kaming magsanay upang makamit ang mga sandata."
"Kung gayon. Maaari na tayong magsimula."
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantasyAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...