52nd Scene-Si Cheska at ang Babaeng Puno

39 0 0
                                    

52nd Scene

Nagising si Cheska na nasa ibang lugar na siya matapos lamunin ng halimaw na bulaklak. Hindi naman mukang tyan ng halimaw ang kinaroroonan niya sapagkat hindi nakakadiri ang paligid, walang laman loob kundi isang sementadong paligid na puno ng mga petals ang sahig na nilalakaran.

Nakaramdam siya ng panganib nang makita niya ang isang babaeng inukit sa pamamagitan ng punong-kahoy. Walang ibang nasa isip kundi ang makalabas ng lugar ngunit ni isang labasan ay wala siyang matagpuan. Takot at pagkabalisa ang naramdaman niiya. Lingid sa kaalaman niya'y unti-unting binubuhay ng takot niya ang babaeng inukit sa kahoy.

Naglakad siya pabalik at ganoon na lang ang hintakot sa mukha niya nang makitang gumagalaw ang babaeng inukit sa kahoy. Napaurong siya lalo na nang bumangis ang anyo nito at unti-unting humaba ang mga daliri ng kamay nito. Nagtatatakbo siya sa labis na takot at sa sobrang pagmamadali siya'y nadapa. Paglingon niya ay napakalapit na nito kaya naihagis niya rito ang shoulder bag na nakasukbit sa kanyang katawan. Sinamantala niya ang pagkaka-distract nito, agad siyang tumayo at muling tumakbo nang mabilis pero agad ding napatigil nang mapagtantong naroon pala sa itinapon na bag ang batong airy at ang kapangyarihang iginawad sa kanya ni Tandang Ingkong.

Napilitan siyang pumihit pabalik, namataan niya sa 'di kalayuan ang pakay pero panay ang tira ng babaeng inukit sa kahoy. Ginalingan na lang niya ang pag-iwas sa bawat hampas at tira ng mahahaba nitong daliri hanggang sa marating ang pakay, agad niyang hinablot nag bag sa pagitan ng pag-iwas sa mahahabang daliri ng kalaban. Kukunin na lamang ang sandata sa loob ng bag nang biglang iwasiwas ng daliri nito ang bag na hawak niya kaya tumilapon 'yon sa malayo. Nakita niyang nalaglag mula sa bag ang kanyang sandata medyo malapit sa kinaroroonan niya.

Iniwas-iwasan niya ang paghampas, pagwasiwas, pagtira ng mahahabang daliri ng kaaway hanggang sa mapasakamay niya ang kanyang sandata ngunit bago pa man niya magamit 'yon ay na-trap siya. Ang limang daliri nito ay itinusok nito sa pader, napapagitnaan siya ng mahahaba at matatalas na daliri at hindi niya inaasahan ang sunod nitong atake, nag-korteng matulis ang isa sa mga kamay nito gamit ang limang nakapulupot na daliri at akmang tutusukin siya. Tanging pagpikit na lamang ang ginawa niya.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon