13th Scene
"Malayo na sa kabihasnan ang pinuntahan natin. Sigurado ka bang dito ang lagusan?" tanong ng Prinsessa.
"Oo. Malapit na tayo."
Sa wakas ay narating nila ang pakay. Bumungad sa kanila ang isang munting hardin. Nang pasukin nila iyon ay halatang napabayaan na.
"Sigurado kang dito iyon?" Tila hindi mapaniwalaan ng Prinsessa na dito matatagpuan ang lagusan.
"Oo. Doon sa tuktok na iyon. Nakikita mo ba ang hagdan na iyon. Pag narating mo ang hagdan na iyon na hindi ka nagpapatulong sa kahit kaninong diwata na makapangyarihan kusang bubukas ang lagusan para sa iyo at maaari mo nang marating ang mundo ng iyong Prinsipe."
"Pero sobrang taas niyan! Ilang talampakan ba yan."
"Limandang talampakan."
"Ano!!!" Halos malula siya sa nalaman.
"Ang sabi nila hindi mo mararamdaman ang pagod kung bukal sa puso mo ang pag-akyat sa sagradong hagdan na iyan."
"Okay. Kaya ko ito! Gusto ko talagang makita ang aking Prinsipe."
Sinimulan ng prinsessa ang pag-akyat ng hagdan. Narating niya ang tuktok na walang kahirap-hirap dahil sa kanyang determinasyon at dahil na rin sa udyok ng kanyang damdamin. Lumabas nga ang lagusan. Ginamit naman ng pinsan ang sarili nitong pakpak para marating an tuktok. Kinapa niya ang lagusan. Lumusot ang kamay niya kaya nabawi niya iyon sa kabiglaanan.
"Sigurado kang gusto mong iwan ang mundong ito para sa Prinsipe mo?"
Sumagi sa isip niya ang mga magulang. Tila hindi niya kayang malayo sa mga ito. "Gusto ko lang makita. Bababa na ako." Nagbago ang isip niya pero ganoon na lang ang gulat niya nang bigla siyang itulak ng pinsan sa lagusan. Napatili siya habang nilalamon siya ng lagusan at rinig na rinig niya ang paghalakhak nito.
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantasyAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...