14th Scene
Ang puso at isip ng Prinsessa ang nagligtas sa kanya. Nang itulak siya ni Licca sa lagusan, ang tanging nasa puso't isip niya ay ang lalakeng napanaginipan na pinaniniwalaan niyang prinsipe niya kaya naman dinala siya ng lagusan sa kanyang Prinsipe. Bumagsak siya sa kama ng kanyang Prinsipe na kasalukuyang nakaupo sa sahig at nanonood ng comedy show sa TV.
Gulat na gulat si Franji nang marinig ang pagbagsak ng isang bagay sa kama niya. Napalingon siya at nanlaki ang mata niya nang makita ang isang babae na may kakaibang kasuotan tila isang prinsessa sa mga napapanood niyang anime.
"Sino ka?"
"Ako si Prinsessa Shally. Galing ako sa mundo ng mga diwata." Inilibot ng prinsessa ang paningin. "Ito ba ang mundo ng mga tao?"
"Oo. Saan ka kamo galing?" Tinitigan ni Franji ang prinsessa.
"Ikaw ang aking Prinsipe!" Bulalas ng prinsessa nang mabistahan ng maigi ang lalakeng kaharap.
Napaurong tuloy si Franji. "Saang costume party ka ba galing?"
"Ano iyon?"
May topak ata ito. Iyon ang nasa isip ni Franji. "Paano ka nakapasok sa silid ko?"
"Hinigop ako ng lagusan papunta dito sa mundo ninyo tapos dito niya ako niluwa."
"Ay ewan! Siguro lasing ka. Diyan ka lang kukuha ako ng mainit na kape para mahimasmasan ka."
Ngumiti lang ang prinsessa.
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantezieAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...