33rd Scene-Mga Bilin ni Aflicasus

55 2 0
                                    

33rd  Scene

Sa pakiusap ni Aflicasus, ang tagapangalaga ng Prinsessa at upang mailigtas ang mga kapatid pati si Grace ay nagpasya si Franji na tumungo sa Fantas. Bilang miyembro ng Amazing Teens na nakasaksi ng naganap, sina Trigger at Cheska ay hindi nag-atubiling samahan si Franji sa pakikipagsapalaran nito.

Hawak ni Aflicaus ang tatlong alahas ng Prinsessa kung saan matagal siyang humimlay. “Gamitin ninyo ang tatlong alahas na ito upang maging inyong gabay sa pagtuntong ng Fantas. Magagamit ninyo ito upang maituro sa inyo ang daan kung saan kayo tutungo.” Tig-iisa niyang iniabot sa tatlo ang mga ito. Kwentas ang kay Franji, polseras ang kay Trigger at singsing naman ang kay Cheska. “Ingatan ninyo ang mga iyan upang kapag mayroong nahiwalay sa inyo ay madali ninyong mahahanap ang isa’t-isa. Kusang lumiliwanag ang mga ito para ituro ang daan patungo sa kaparehang alahas.

Tandaan ninyo lang maigi na bago ang lahat, unahin ninyong hanapin ang limang simbolo dahil malaki ang maitutulong ng mga iyon sa inyo. Kapag nakumpleto ninyo ang mga iyon ay kusa kayong mapupunta sa kinaroroonan ng Prinsessa. Mag-ingat lamang kayo sa mga kalaban. Napakaraming gustong maghangad ng batong Aquasofresha.

Magpapaalam na ako. Kung kailangan ninyo ako tawagin ninyo lang ang pangalan ko at agad akong lilitaw ngunit hindi ko kayo matutulungan pagdating sa labanan dahil impormasyon lang ang kaya kong ibigay sa inyo. Paalam na. Sana’y magtagumpay kayo.”

Kasabay ng paglaho ni Aflicaus ay ang pagbukas ng lagusan patungo sa mundo ng Fantas. Wala mang katiyakan sa pupuntahan, sabay-sabay namang tinawid ng tatlo ang lagusan patungo sa mundong hindi nila alam kung saan nagmula.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon