37th Scene-Paglusob sa Palasyong Bungo

51 3 0
                                    

37th Scene

Samantala sa palasyong bungo kung saan dinala ang prinsessa at si Grace ay may nagaganap na paglusob. Dalawang malalaking nilalang na panghimpapawid ang nagbubuga ng apoy sa palasyong bungo.

Napag-alaman kasi ng mga alagad ni Prinsessa Ameliana, ang prinsessa ng Kahariang Windashna na bihag doon si Prinsessa Shally.

Si Ameliana ay isa rin sa mga naghahangad na makuha ang batong Aqusofresha. Napag-alaman kasi nitong may kakayahan ang bato na panatilihin ang kabataan ang kagandahan ng isang nilalang. Kelangan lang ibabad ang bato sa sagradong tubig na matatagpuan sa kanilang kaharian at pag natunaw iyon ay maaring ipanligo ang tubig at tiyak na mananatili na ang iyong kabataan at kagandahan.

Tulad ni Shally, si Ameliana ay may pinangangalagaan ring kayamanan ng Windashna. Ito ay ang koronang Windanei na parati niyang suot. Walang nakakaalam na ang koronang iyon ang pinakaiingatang kayamanan ng Kaharian upang walang magtangkang iyon ay angkinin.

Tulad ng batong Aquasofresha, ang koronang Windanei ay may taglay na kapangyarihan ngunit hindi tulad ng batong Aquasofresha na marami ang gamit ang Windanei ay isa lamang ang silbi. Iyon ay ang kakayahang bumuhay ng patay. Patay na hayop, halaman at maging nilalang. Ngunit sila ay sumusunod sa tradisyon na tanging sa mga hayop at halaman lamang gagamitin ang kapangyarihan ng Windanei. Kailanman ay hindi pa ito nasubukan sa tao o nilalang na may buhay.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon