50th Scene
Nang imulat ni Trigger ang mga mata ay nasa ibang lugar na siya kasama sina Cheska at Franji.
"Wow! Ang gaganda talaga!" Tila kinikilig na turan ni Cheska habang paikot-ikot nitong sinasalo ang mga nagbabagsakang mga petals ng mga bulaklak.
"Umuulan ng bulaklak?" Napapangiwing turan ni Trigger. "Anong klaseng lugar 'to?"
"Ano nga palang nangyari sa 'yo sa loob ng tarangkahan?" tanong ni Franji.
"Buti natanong mo, pare," anito saka may dinukot sa bulsa ng kanyang pantalon. "Ito ang batong airy, bunga ng aking tagumpay."
"Magaling! Alam kong kakayanin mo 'yon."
Pinanood na lamang nila ang nasisiyahang si Cheska na ngayon ay nakaluhod na sa lupa hawak-hawak ang isang bulaklak. Biglang naalala ni Franji ang nakababatang kapatid na si Kate na ngayon ay bihag ng masamang si Reyna Livarca, mahilig din kasi sa mga bulaklak ang kapatid niyang 'yon.
"Ang tahimik mo ata, pre. May problema ba?" hawak ni Trigger sa balikat ni Franji.
"Naalala ko lang si Kate sa kanya," nakaramdam ng lungkot si Franji.
"Hayaan mo, pre, maililigtas din natin ang mga kapatid mo."
"Apat na simbolo na lang, tiyak na ang tagumpay natin."
"Tama! Kaya cheer up!"
Napatingin sa itaas si Franji, napakunot-noo siya sapagkat sa langit nagmumula ang mga petals na nagbabagsakan. Walang puno sa paligid kundi mga nagkalat na petals ng mga bulaklak at mga dahon. May napansin siyang dalawang halaman na na nasa lupa. Nang muling ipaling ang tingin sa gawi ni Cheska ay gayon na lang ang gulat niya nang magkaroon 'yon ng buhay pero nang muli niyang tignan ang bulaklak ay hindi naman 'yon gumalaw. Gutom na ata siya't kung ano-ano ang nakikita.
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantasyAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...