45th Scene
Matapos ang isang linggong pagluluksa nina Prinsessa Shally at Brent, ang lalaking bumihag sa kanya ay nagpasiya ang prinsessa na sabay nilang hahanapin ang mga batong sumisimbolo sa kayamanan ng Aquazenaika. Hiniling ng prinsessa na dalawin muna nila ang kanyang ninang na isang diwata.
May pananabik na niyakap ng prinsessa ang kanyang ninang.
"Ikinalulungkot ko ang sinapit ng kahariang Aquazenaika pero nang makita kita ay nabuhayan ako ng pag-asa." Bungad ng kanyang ninang.
"Ano'ng ibig niyong sabihin?"
"Prinsessa, ikaw lamang ang makakagapi sa kasamaan. Iligtas mo ang inyong mahal na Kaharian at ang buong Fantas."
"Ninang, kaya nga po ako pumunta rito para humingi ng tulong. Paano ko po magagapi ang kasamaan? Wala akong laban. Wala akong sapat na kapangyarihan." Madamdaming hayag ng prinsessa.
"May panlaban ka sa kasamaan." Anang kanyang ninang sabay titig sa nakatayo at walang kaimik-imik na si Brent. "Sa tingin ko'y nahanap mo na ang makakagapi sa kasamaan." Makahulugan pang dugtong nito. "Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?" Naguguluhan man si Shally sa mga pinagsasabi ng ninang ay ipinakilala niya ito kay Brent.
"Ninang siya si Brent. Brent siya ang ninang ko si Lady Pinkish. Siya ang namumuno sa mga diwata."
Matapos magtanguan ay inaya na ni Lady Pinkish ang kanyang mga panauhin sa kanyang munting bahay na nasa loob ng katawan ng puno.
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantasyAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...