15th Scene-Tinuruan ni Franji magbihis ang Prinsesa

76 4 0
                                    

15th Scene

Pagbalik ni Franji ay nakita niyang humahalakhak ang Prinsessa.

“Oh ito kape. Gusto mo rin pala ng comedy show.”

“Bakit mo ako inaabutan ng maiinom?” Kinuha niya ang kape.

“Mainit yan. Ingat ka.”

Ininom nito ang kape. “Ang sarap. Ano nga pala ang comdey show?”

Gusto nang mainis ni Franji pero kinalma niya ang sarili. Nanghila siya ng upuan at pinaharap dito saka siya umupo.

“Alam kong gwapo ako, habulin at marami talagang babae ang nagsasabing prince charming nila ako pero hindi ako papayag na matulog ka dito sa silid ko. Alam ko na mga style ng katulad mo. Maraming babae na ang nagtangkang pasukin ako dito pero ikaw lang ang nagtagumpay.” Sa halip na pansinin ang sinabi niya ay humikab lang ang prinsessa.

“Inaantok na ako.” Sabay higa sa kama.

Muntik nang mahulog sa kinauupuan si Franji. “Kung balak mo matulog magpalit ka man lang ng pantulog.” Napilitan siyang manguha ng pajama sa closet ni Kate. “Oh ito isuot mo.”

“Paano ito isuot?”

Gusto nang mawindang ni Franji pero patuloy pa rin niyang pinapakalma ang sarili. “Okay. Tuturuan kitang magdamit mahal na Prinsessa,” pasarkastikong aniya. Nanguha siya ng manika saka denemo dito ang pagdadamit. Kahit nawiwirduhan sa sariling aksyon ay ginawa pa rin.

“Nakakatuwa naman! Sa mundo namin hindi puwedeng bihisan ng lalake ang isang babae kahit manyika pa ito.” Palatak ng prinsessa.

“Sa tingin mo ba pwde dito ang sinasabi mo? Kaya nga tinuturuan kita para hindi ako ang magbihis sa’yo.”

Wala sa loob na pinagmasdan ni Franji ang prinsessa. Maganda ito at lumitaw ang kaseksihan nito sa kakaiba nitong kasuotang pantaas, sleeveless na labas ang pusod at may napakahabang see through na shawl at tila pang-prinsessa nga ang pambabang palda nito na umaabot sa sahig. Kakaiba rin ang mga alahas na palamuti nito sa katawan.

Amazing Teens and Princess ShallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon