53rd Scene
Handa na sanang mamatay ni Cheska sa kamay ng babaeng inukit sa kahoy ngunit laking gulat niya nang pagdilat ng mata ay wala siyang maramdamang tusok mula sa kalaban bagkus ay napapalibutan siya ng isang kapangyarihang tila naging harang para siya ay proteksyunan. Naalala niya bigla ang sinabi ni Tandang Ingkong. "Hindi lamang pagiging mabilis ang tulong na maibibigay sa'yo ng sandatang 'yan. Maaaring maging kahit ano ang sandatang 'yan basta isa-isip at isapuso mo lamang ang 'yong nais."
Nagkaroon siya ng lakas loob na harapin ang kalaban, gamit ang tiara na kanyang sandata ay pinabilis niya ang kanyang pagkilos. Halos hindi nakita ng kalaban ang pagdausdos niya pababa para makawala sa pagitan ng mga nakatusok na mahahabang daliri nito. Kita niyang nahirapan itong hugutin ang mga daliring nakatusok ng malalim sa mga pader pero hindi nito hinayaang makaalpas siya basta-basta. Ginamit nito ang korteng patusok na kamay para tirahin siya pero sa bilis niya ay hindi ito nakakatama. Kita niya ang nagngangalit nitong anyo kaya nang tuluyan nitong mahatak ang mga daliring nakatusok sa pader ay agad din naman siyang tumakbo palayo.
Nagpahabol siya hanggang sa marating nila ang lugar na puno ng malalaking posteng yari sa semento. Nakaisip siya ng paraan. Nagpahabol siya nang nagpahabol habang sige sa pagsugod ang mahahabang daliri ng kaaway, sinadya niyang pumaikot-ikot sa mga poste para mapulupot ang mga daliri nito na hindi nito namamalayan.
Tagumpay niyang naipulupot sa tatlong poste ang karamihan sa mga daliri nito kaya nang mapagtanto niyang hindi na ito makakasugod ng maramihan ay siya naman ang umatake hindi para saktan ang kaaway kundi para kunin ang sa palagay niyang pinagmumulan ng kapangyarihan nito, ang palamuting hugis bulaklak sa ulo nito. Gamit ang isip at puso, pinroteksyunan niya ang sarili kasabay nyo'n ay pinagmistula niyang mahabang kamay ang kapangyarihang nagmumula sa kanyang tiara at kinuha niya sa pamamagitan nyo'n ang palamuting bulaklak sa ulo ng babaeng inukit sa puno pagkatapos ay biglang yumanig ang paligid. Unti-unti itong naglaho at isang nakakasilaw na liwanag ang lumukob sa buong paligid kaya napipikit siya.
BINABASA MO ANG
Amazing Teens and Princess Shally
FantasyAng Fantas ay lugar kung saan matatagpuan ang Aquazenaika na pinaghaharian ng mag-asawang Reyna Sharlimae at Haring Angelito kasama ang nag-iisang anak na si Princess Shally na sa labis na kuryusidad ay napadpad sa mundo ng mga tao at nakilala si Fr...